Mleen's POV
Natatakot ako!
Lim paano na! Ayoko pang mamatay hindi kami pwedeng mamatay dito.
Nasaamin na ang lunas! Sana 'wag naman dito matapos! Paano yung iba kung hindi kami makakaligtas dito?May mga kaibigan pa kaming babalikan.
May mga buhay pa kaming tutulungan o liligtas.
Anong gagawin namin.
Sa oras na kalabitin niya ang gatilyo yun na ang katapusan.
Lim? Marky please gayaban ninyo naman kami.
Dalawang tao na ang nagbubuwis ng buhay para sakin dapat siguro ibuwis ko na din ang buhay ko para sa lahat?
Kakayanin ko ba?
Ngayon pang may alam ako kay Kat na hindi niya alam?
Oras na ba para sabihin?
Dito sa gantong sitwasyon?
Kat's POV
"Putang ina naman Sheena! Ibibigay mo o papaulanan kayo ng bala?" para siyang baliw! Hindi dahil baliw na talaga siya.
Yung mata yung pag ngiti kung paano siya mag isip literal na baliw na talaga siya!
Sa tagal ko ng nakikipagsapalaran dito sa mundong 'to ngayon lang ako natakot ng sobra.
Ngayong may lunas na gusto kong makasama pa sila ng natagal! Eto na yung matagal naming hinihintay.
"ZUEZ!" sigaw ni Sheena ng itinaas ni Zuez ang armalite niya at...
"Dapaaaaaa!" mabilis kong sabi.
"WAAAAAAAAAH!"
*RATATATATATAT*
*BRATATATATATATAT*
*BANGGGGGG* *BANGGGGGGG*
*RATATATATATAT*
*BRATATATATATATAT*
*BANGGGGGG* *BANGGGGGGG*
Hindi ko alam kung paano pero tumigil na siyang bumaril hanggang sa makita kong nakahandusay na si Zuez sa sahig naliligo sa sariling dugo.
"Mleen!" sigaw ko dahil siya ang bumaril kay Zuez! Tapos... tapos... puro siya dugo! Tinignan ko ang iba tang ina!
May tama si Daniel! Si Phil nakahandusay sa sahig nakadagaan kay Sheena halatang pinrotektahan niya 'to.
Dahil siya nalang ang pag asa namin.
"Nite." halos nanlambot ako sa nakita ko.
Naliligo siya sa sariling dugo.
Bakit? Tang ina bakit hindi ko alam na pinrotektahan niya ako? Kaya ba ligtas ako? Kaya ba wala ako niisang tama dahil sinalo niya lahat?
"K-kat!"
Tang ina bakit na uwe lahat sa ganto?
Tang ina!
"K-kat!"
"Tumingin k-ka sakin!" lumapit pala si Mleen sakin ng hindi ko namamalayan.
Ayoko! Si Nite lang ang pinag tutuunan ko ng pansin.
"KAT! WALA NA SIYA!" sigaw ni Mleen kahit alam kong nahihirapan siya.
"TANG INA KAT! MAY TAMA KAMI NI DANIEL! SI NITE AT PHIL WALA NA! WALA NA KAT UMAYOS KA NAMAN! SI SHEENA NALANG ANG PAG ASA NATIN." gustong umiyak niyakap ko ang bangkay ni Nite.
Akala ko ba sabay tayong tatanda? Akala ko ba gagawa pa tayo ng pamilya?
Nite gumising ka please.
Ganto ba yun? Yung pakiramdam ni Mleen noong nawala si Lim?
Parang gumuho ang mundo ko.
Paano na? ako naman ngayon ang lumbay! Nite bakit mo ako iniwan?
Tang inang buhay 'to bakit kinukuha lahat ng mahalaga sakin?
"Umalis na tayo dito." sabi ni Sheena na akay si Daniel.
Paano ako aalis nandito ang kalahating ako.
"Kat please! Kailangan na nating umalis." pag mamakaawa ni Mleen.
Kahit ayoko! Kahit labag sa kalooban ko.
Hindi manlang kami nakapag paalam sa isa't isa! Tang ina Nite bakit ba lagi mo nalang akong nililigtas!
Tumayo ako at inalalayan si Mleen dahil may tama din siya.
"Kat magiging okay din ang lahat." sabi ni Daniel.
Nawalan ako. Nawalan kaming lahat ng ganun ganun lang.
Ang sakit hindi ko na tinangkang tignan ang bangkay nila Phil at Nite baka hindi ko kayanin at bumalik pa ako.
Ngayon araw tatlo tao ang nawala samin kapalit ng lunas.
Bakit ba ang unfair ng mundo? Kahit anong laban mo may mangyayare paring hindi maganda para saan pa kung mabubuhay ng matagal kung wala na yung gusto kong makasama habang buhay.
"Kat. Ayos kalang ba?" yun ang huling narinig ko bago ako bumagsaka at tuluyang nawalan ng malay.
-------------
Oh mga bitch last chap na sa susunod sana magustuhan ninyo.
Aja!
BINABASA MO ANG
WORLD WAR Z (COMPLETED)
Science FictionNoong una sa isang bansa lang may virus hindi pa takot ang iba. Pero hanggang isang araw bigla nalang mabilis 'tong kumalat at na-alarma ang lahat. Bakas sa mukha ng mga tao ang takot na baka mahawa sila at maging ka-isa ng mga 'to. Isa kaba sa maka...