Kat's POV
Gulong gulo ang isipan ko dahil sa mga nangyayare una yung sa likod bahay ni Helena sunod doon sa tarangkahan ngayon sigurado na akong isa samin ang gumagawa ng mga yun may traydor dito pero ang tanong bakit niya ginagawa 'to?
Nautusan?
Tinatakot?
Magkakampi sila?
Umupo si Helena sa harapan namin ni Nite kaming tatlo lang ang nandito sa bahay niya.
"Kayong dalawa lang ang mapagkakatiwalaan ko sa panahong 'to sana ay huwag ninyo akong biguin. Alam ko ang nasa isip ninyo na may traydor satin." sabi niya halatang kabado siya sa mga nangyayare.
"Hindi ko na kaya hindi naman ako malakas hindi ako matapang takot ako sa Dugong na yun pero hindi ko ipinapakita sa iba dahil ayokong maramdaman din nila ang takot na nararamdaman ko."
Tahimik lang kaming nakikinig sa mga sinasabi ni Helena.
"Noong nasa Kapitolyo kami akala ko magiging okay ang lahat hanggang sa dumating sila Dugong at ang mga presong matagal ng nananatili sa kulungan nag hari harian sila samin wala kaming laban mas marami silang armas kesa samin."
"Inalipin niya ang lahat na akala mo ay isa siyang makapangyarihang tao sa Kapitolyo naging sunod sunuran kami. Araw araw may pinapatay siyang tao dahil hindi sumusunod sa gusto niya binalot kami ng takot ng mga oras na yun para bang mas gugustuhin pa namin mag pakain nalang sa mga Zombie kesa alipinin niya." nakita ko kung paano na nginig ang mga kamay ni Helena napahawak ako sa kamay ni Nite bigla dahil pakiramdam ko sobrang hirap ng dinanas nila ngayon lang siya nag kwento samin ng mga nangyare sakanila.
"Hanggang isang araw hindi ko na kinaya may isang lalaki akong nakita tinangka ko siyang patayin pero hindi siya pumalag kaya umiiyak ako ng umiyak habang napapaluhod na sa harap niya. Hindi siya tulad ng iba mabait siya hinding hindi ko makakalimutan si Daniel isa siyang mabuting tao." napansin kong umaliwalas ang mukha niya Helena ng bigkasin ang pangalan ni Daniel.
"Alam ko tulad ninyo tinulungan din niya kayo pero sa pagkakataong 'to alam na ni Dugong ang mga tulong na ginawa niya kaya siguradong galit na galit yun. Ngayon pang wala na ang Kapitolyo natatakot ako sa pwede nilang gawin satin mas marami sila mas malakas mas maraming armas anong laban natin sakanila." naduduwag si Helena ibang iba sa Helenang lumalabas sa bahay na 'to sa tuwing makikipag kita siya sa mga tao.
BINABASA MO ANG
WORLD WAR Z (COMPLETED)
Science FictionNoong una sa isang bansa lang may virus hindi pa takot ang iba. Pero hanggang isang araw bigla nalang mabilis 'tong kumalat at na-alarma ang lahat. Bakas sa mukha ng mga tao ang takot na baka mahawa sila at maging ka-isa ng mga 'to. Isa kaba sa maka...