WWZ Chapter 4

2.3K 147 1
                                    

Nite's POV

Hindi ko alam kung anong nangyayare basta ang alam ko lang may kung anong nalalaglag mula sa taas ng rooftop kaya sabay sabay kaming napa "Shit!"

"May lumalaglag na ulo ba yun? Omygad ulo nga!" natatarantang sabi ni Sam mabilis kaming umiwas dahil sa pwesto mismo namin iyon lalaglag.

*PLAAAK* tunong ng nalalaglag na ulo dahil sa taas ng nilaglagan nun ay nagkalasog lasog yun.

"Kat? hello ano okay kalang ba? Ano sinipa mo yun bwiset ka talaga muntik na kaming tamaan nun alam mo ba yun huh?" sabi ni Sam habang kausap si Kat sa cellphone. "Buti at nakaiwas kami agad sige na sige na bilisan mo na ibababa ko na 'to para mabilis kang makababa." sabi ni Sam at ibinababa na yung cellphone tumingin naman ako sa taas ang dami pang dada kanina gagamitin din naman pala yung lumang hagdan.

Nang medyo malapit lapit na siyang makababa.

"HOY TUMAKBO KAYO BILISAN NINYO!" sigaw ng isang babae at lalaki hindi lang sila dadalawa marami mga Zombies ang humahabol sa kanila.

"Kat bilisan mo dyan baba na!" pag mamadali ni Sam kay Kat. "Nite si Lim pala yung sumisigaw!" sabi ni Gio sakin kaya tumingin ako doon, Oo nga si Lim nga hindi ko lang agad napansin dahil malayo sila samin kanina.

Kaibigan namin si Lim kaya lang hindi kami parehas ng section alam ko kaklase niya sila Sam at Kat pati yung kasama niyang babae.

Nang makalapit na sila samin.

"Kat bilisan mo wag kang mabagal bilis bilis!" sabi nung babaeng tumatakbo kanina at hingal na hingal. "Teka lang naman Mleen luma na kaya 'to mamaya makalas ang mga turnilyo neto edi nahulog pa ko." protesta ni Kat

"Oo na! Oo na! Basta bilisan mo, kailangan na nating umalis andyan na sila." sabi nung babae tinawag siyang Mleen ni Kat, tinulungan kong bumaba si Kat dahil kailangan pang tumalon para makababa siya.

"Ahh guys tingin ko kailangan na nating tumakbo sa tingin ninyo ?" tanong ni Sam habang umaatras "TAKBO!" gusto kong matawa kay Kat dahil siya tumatakbo na kami tatakbo palang.

"Hoy Kat alam mo ba kung saan pupunta?" tanong ni Mleen kay Kat "Malamang hindi!" mabilis na sagot ni Kat, habang tumatakbo kami may nakita akong mga kahoy kaya tumigil muna kami kaya lang tatlo lang yun kaya kaming mga lalaki lang ang gagamit.

"Arrgh! Arrgh! Arrgh!" may Zombie sa dadaanan namin kaya agad akong lumapit doon para hampasin.

*TUGSH*

Sa pagtakbo namin nakarating kami sa Parking lot ng school.

"Oh? Ano ng plano?" tanong ni Lim habang nakasandal sa kotse. "Kailangan nating makaalis dito yun ang plano." sabi ni Mleen habang tumitingin sa paligid mukhang hindi kami na sundan ng mga Zombies.

"Wala tayong sasakyan yung school bus na pag asa natin wala naman mukhang may iba ng gumamit, kung kotse naman wala naman niisa sa atin ang merong kotse." sabi ko

"Magnakaw nalang tayo di naman na tayo makukulong duh! End of the world na kaya." mataray na sabi ni Mleen

"Siguro naman marunong kayong mag drive diba?" tanong ni Sam nag tanguan naman kaming tatlo.

"Paano mapapaandar yan wala naman tayong susi tsaka hindi kami marunong mangalikot niyan para mapaandar kahit walang susi." sabi ni Gio

"Siya na bahala dyan." sabi nilang dalawa sabay turo kay Kat.

"Lintik na, ayoko alam ko na yang pinaplano ninyo ayoko kayo nalang." pag tatanggi niya.

"Bilis na kayang kaya mo yan sanay na sanay ka na dyan ay." sabi ni Sam.

Tingin ko na gegets ko na yung pinag uusapan nila, Dati kayang mag nanakaw ng mga kotse ang tatlong 'to hahahaha.

Katrielle's POV

Bakit kase marunong anong mangalikot ng mga kotse eh.

"Matagal pa ba yan Kat dumadami na sila." nyeeeta kayo, kung kayo kaya dito putcha. "Sandali lang natataranta kase ako." sabi ko

"Arrgh! Arrgh! Arrgh!" may Zombie na papalapit sakin buti at nasa likod ko si Nite.

*PAAAAK* hinampas niya naman agad.

"Bwiset na Zombie 'to bakit ayaw nila mamatay?" inis na tanong ni Sam. "Sa ulo mo dapat puntiryahin Sam eto kahoy oh." sabi ni Gio, tama sa ulo dapat puntiryahin para mamatay sila ganun sa mga napapanood ko eh.

Nakakailang try nako pero ayaw talagang gumana bwiset na kotse 'to. Pinagdikit ko ulit yung dalawang wires gumana kana please lang gumana kana ng makaalis na kami.

"YESSSSSSS! GUMANA." sabi ko "Sumakay kana Kat, ako na mag dadrive! Hoy kayo tara na aalis na tayo." medyo malakas na sabi ni Nite agad naman akong sumakay.

Nang nakasakay na ang lahat doon ko lang narealize kung sa eskwelahan namin ganto na paano pa sa labas na ng eskwelahan tulad nalang ng mga syudad?

Ano nga ba ang naghihintay saamin sa labas?

"Kapit babanggain ko sila!" utos ni Nite kanya kanya naman kaming kapit kung saan.





*BLAAAG*





Ang dami nila.





*PLAAAK*





Marami ang sumusunod samin.








*BOGSSH*



Hindi sila tumatakbo pero madami talaga sila.

"Arrgh! Arrgh! Arrgh!"

"Arrgh! Arrgh! Arrgh!"

Buti nalang at nakaalis kami doon ng ligtas.

Sa pag alis namin sa eskwelahan na 'to. Kailangan handa kami sa mundong kakaharapin namin.

Si Nite, Gio, Lim, Sam, Mleen at ako syempre ay handang makipagsapalaran sa mundong mga patay laban sa mga taong buhay.

Ang tanong hanggang saan nga ba ang kakayanin namin para lang manatiling buhay ang isa't isa?

WORLD WAR Z (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon