Arjay's POV
"Ganto yan mula dito kami muna ang aalis kayo maiwan dito para kung sakaling kalaban nga ang mga iyon kayo ang tutulong samin. Basta mga walkie-talkie nalang ang magiging komunikasyon natin pag nasa loob na kami." paliwanag ni Daniel samin.
Gustuhin ko mang sumama sakanila pero hindi pwede.
"Arjay alam ko gustong sumama pero magtiwala ka samin okay? Magtiwala ka." seryosong sabi n Daniel tumango naman ako bilang tugon.
Naniniwala ako.
"Si Nite, Kat, at Mleen ang isasama ko habang kayo Phil, Marky, Arjay at Lim siguraduhin ninyong ililigtas ninyo kami ah." medyo pabirong sabi ni Daniel.
Lumapit si Lim sakanila. "Pwede bang ako nalang ang isama ninyo huwag na si Mleen." sabi ni Lim pero umiling si Kat.
"Kering keri namin yun Lim relaxx kalang hindi makakain 'tong si Mleen mo." biro ni Kat para medyo mahimasmasan si Lim dahil sa takot na kung mapaano si Mleen.
"Sigurado kayong yan lang ang dadalhin ninyo? Mga katana lang ang gagamitin ninyong armas?" tanong ni Marky sakanila.
"Oo okay na 'to samin." sabi ni Kat habang hawak ang katana na nakakipit sa bewang niya gamit yung belt.
"Sige maiwan na nanamin kayo dito. Antabayanan ninyo kami sa walkie-talkie tapos itago ninyo nadin yang mga Van." tumango tango nalang kami sa sinasabi ni Daniel.
Pero bago sila tuluyang umalis bumalik ulit sila.
"Teka pahingi na nga ng baril baka maisahan pa kami." sabi nila samin natatawang inabutan naman namin sila ng kanya kanyang baril.
Tsaka tuluyang umalis na nga.
"Magtiwala nalang tayo Arjay. Kayang kaya nila yan tara na asikasuhin na natin ang pinapagawa ni Daniel ikaw sa police mobile kami sa dalawang Van." sabi ni Phil tinanaw ko muna sila pumasok na sila sa bandang gubat daan yun papunta sa likod ng Train Station.
Nang hindi ko na sila makita tumalikod na ako at tanging walkie-talkie nalang akong pinagtuunan ko ng pansin ikinipit ko yun sa bandang bewang ko.
Aasa ako na tatawag sila Daniel gamit yan at sasabihin ligtas sila.
Hindi yung tatawag sila kase nasa panganib sila.
"Naniniwala akong magiging okay din ang lahat." yun nalang ang tanging bulong ko sa sarili ko at muling nilingon ang Train Station.
Kat's POV
Mula dito sa labas ng gate papasok sa Train Station ay sa likod kami dumaan inakyat namin ang mga gate.
"Dahan dahan lang sa pagbaba ah." paalala ni Daniel ng makababa na kami sa kabilang parte ng gate ibig sabihin nasa loob ng kami ng Train Station.
Lumakad pa kami ng konti sinipat sipat ang paligid kung meron bang tao o wala.
Nagpatuloy kami sa paglalakad.
Hanggang makarating kami sa building na tingin ko'y may tao sa loob.
Sinilip namin sa bintana kung may tao nga ba o wala tama nga ang hinala namin may tao nga.
"Pasukin na natin." sabi ko tumango sila pumunta kami sa harap nandoon kase ang pintuan.
Pagpasok palang namin nagtinginan na ang lahat samin.
"Maligayang pagdating sa ligtas na lugar na ito." sabi ng isang lalaki.
"Ako si Harry ang namumuno sa lugar na 'to." sabi niya ulit.
Lumakad kami papalapit sakanya.
"Maari ninyo bang ibaba ang inyong mga armas kakapkapan kayo at titignan kung infected ba." nakakairita siya lagi siyang nakangiti.
Ibinaba namin ang katana at mga baril namin kinapkapan na nga kami at tinignan kung infected ng ma sure na hindi ay ibinalik nila ang katana ata mga baril namin.
"Sumunod kayo sakin." sumunod naman kami walang umiimik samin dahil lahat nakikiramdam sa nangyayare.
Dinala niya kami sa isang hardin na ginawa lamang ata nila may mga tao doon na nagluluto nagtatawanan at kung ano ano pa.
BINABASA MO ANG
WORLD WAR Z (COMPLETED)
Science FictionNoong una sa isang bansa lang may virus hindi pa takot ang iba. Pero hanggang isang araw bigla nalang mabilis 'tong kumalat at na-alarma ang lahat. Bakas sa mukha ng mga tao ang takot na baka mahawa sila at maging ka-isa ng mga 'to. Isa kaba sa maka...