Nite's POV
Nakalublub ngayon si Kat sa malaking planggana na merong pinaghalong tubig at yelo. Nakikita ko kung paano manginig si Kat pero eto nalang ang paraan sana lang maging okay ang lagay niya.
Naalala ko nanaman yung sinabi ni Doc. Henje napapaisip ako kung posible nga bang mangyare pero umaasa kami na sana nga posible.
*Flashback*
"Paano si Kat iiwan din natin siya?" biglang tanong ni Mleen
Bumuntong hininga si Doc. Henje bago may salita.
"Hindi...
Tingin ko kase makakasurvive siya." medyo naguluhan ako sa sinabi niya pero para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan.
"Paano mo nasisigurong mabubuhay siya? Tignan mo nga sobrang putla niya mataas ang lagnat sumusuka ng dugo shit naman." tanong ni Lim habang tinuturo si Kat.
"Posible din dahil kung sakaling bumaba ang lagnat niya tingin ko magiging daan yun para maging mas mapabuti ang lagay niya at tuluyang gumaling tingin ko ay alam din yun ni Kat kaya niya sinabing makatulong ang yelo sa kalagayan niyang yan. Dahil once na bumaba ang lagnat niya posible ding gumaling ang pamamaga ng katawan niya para hindi na rin siya mag susuka ng dugo." yun ang paliwanag ni Doc. Henje
Napatingin ako sa katabi ko.
"Gagawin namin lahat para gumaling ka Kat." sabi ko nanghihina naman siyang ngumiti sakin.
*End of Flashback*
Panghahawakan namin lahat ng sinabi ni Doc. Henje
"Nite tulungan mo muna sila mag ayos ng mga dadalin kami na ni Mleen ang mag babantay sakanya." sabi ni Sam habang kumukuha ng pwedeng maupuan.
Tumango naman ako at pumasok sa loob ng kulungan.
Naabutan ko na kumukuha ng baril sila Gio at Lim kaya lumapit ako.
"Marami na ba kayong nadala sa RV?" tanong ko yung RV na tinutukoy ko yung parang Van pero style bahay ang loob pagdating nila Keo kahapon ay may dala silang dalawang RV.
"Oo dre. sa kulay brown na RV puro pagkain at baril meron ding mga bala syempre ilang kutsilyo basta marami na kaming nadala pati yung iba pang kailangan nandoon na." sabi ni Gio
"Mabuti." tugon ko lumingon ako kay Lim mukhang may sasabihin ata siya sakin dahil kanina pa siya nakatingin sakin.
"Sinabi ko kay Keo na kung pwede tayong anim sa isang RV yung kulay White pumayag siya. Kaya dinala ko na yung mga gamit natin doon syempre mga baril na din at mga pagkain nagdala din ako doon" sabi ni Lim tinanguan ko naman siya kumuha ako ng baril pati nga granada.
Ngayon lang ako hahawak neto pero hindi ako natatakot kase mas nakakatakot pa yung mga Zombie sa labas ang babaho kaya nila tapos inaagnas pa tsk.
Buhay pa kaya yung may pakana ng lahat ng 'to kung oo mapapatay ko siya, kung hindi na buti nga sakanya at naging Zombie din siya ng dahil sa sarili niya.
Mleen's POV
Yun oh? Nagka POV din matapos kong mag agaw buhay si Kat naman ngayon. Isa ata saming anim ang may balat sa pwet dahil lagi kaming minamalas bwahahahah.
"Mleen mukhang okay kana talaga nakakatawa kana ng wala namang nakakatawa binabati kita." parang ewan na sabi ni Sam habang nakatingin kay Kat gusto ko sana asarin si Kat na para na siyang bangkaya dahil ang lamig ng katawan niya kulay violet pa yung labi kaya lang wag nalang wala sa tama ang joke ko minsan baka mabigwasan ako ni Sam masakit pa ang braso ko.
"Wag kana lang mangialam nga pala tungkol doon sa pag alis natin diba kausap ka ni Doc. Henje anong na pag usapan ninyo?" tanong ko.
"Sinabi niya na walang balak sumama satin bukod kila Lolo Rado at Keo dahil mapanganib nga sa labas alam mong alam natin yan." sabi niya
"Tsaka isa pa nung sinabi niya doon sa lalaking balbasarado na aalis tayo pinagtulakan niya pa daw tayo na umalis na dahil hindi naman tayo kawalan meron pa naman daw isang doktor doon." inis na kwento niya may pa duro duro pa sakin galit O.O?
Napatingin ako sa langit kulay asul halos walang ulap ang kikita.
Kung panaginip lang ang lahat ng 'to gusto ko ng magising ayoko ng ganto para akong binabangungot ng gising.
BINABASA MO ANG
WORLD WAR Z (COMPLETED)
Science FictionNoong una sa isang bansa lang may virus hindi pa takot ang iba. Pero hanggang isang araw bigla nalang mabilis 'tong kumalat at na-alarma ang lahat. Bakas sa mukha ng mga tao ang takot na baka mahawa sila at maging ka-isa ng mga 'to. Isa kaba sa maka...