WWZ Chapter 22

918 102 7
                                    

Ang nangyare bago makuha sila Nite ng mga taong nakatira sa Kapitolyo.

*****

Nite's POV


Ilang oras ng byahe papuntang Kapitolyo.

Sa wakas narating na din namin.

'Kat nandito na kami kung sana buhay kapa edi sana kasama ka din namin.'

Hindi namin dinala ang RV ng pumunta kami doon.

Iniwan namin yung RV medyo malayo at tago.

Baka kailanganin namin yun.

"Handa na ba kayo?" tanong ni Lim tumango tango naman kami at sinuot na ang mga bag namin at ilang armas.

"Tara na." aya ni Mleen lumabas na kami ng RV at lumakad sa gitna ng daan papuntang Kapitolyo.

Tahimik lang kaming naglalakad hanggang sa matanaw na namin ang malaking harang na nakapalibot sa Kapitolyo at may ilang tao ang nandoon.

Agad nila kaming nakita nagbulungan sila.

"SURVIVORS KAMI!" sigaw namin ng makarating kami sa malaking gate na gawa sa makakapal na kahoy.

Paano nila nagawa yun?

"Taas ang kamay!" sigaw nung isang balbasarado.

"Sumunod nalang tayo." bulong ni Gio kaya tinaas namin ang mga kamay namin nasa tabi ko si Baby Cee wala siyang alam sa nangyayare pero tinaas niya din ang kamay niya gaya ng samin.

"Ilapag ninyo lahat ng gamit ninyo at armas ngayon na." mukhang nasa delikado kaming sitwasyon.

Mabilis namin inilapag lahat ng gamit namin. Tsaka nila binuksan ang napakalaking gate na nasa harap namin.

May mga taong nag aabang samin may mga hawak silang baril.

Nagulat kami ng hablutin nila kami at talian sa kamay tsaka kinaladkad kung saan.

Narinig kong umiiyak si Baby Cee.

"ANO BA SINABING SURVIVORS KAMI HINDI KAMI NAKAGAT." sigaw ni Sam isang malakas na sampal ang isinagot ng babaeng sakanya.

Mga hayop!!!!

May dugong tumulo sa gilid ng labi ni Sam may tumutulong luha sa mga mata niya at masamang tinignan yung babaeng sumampal sakanya.

"Masasama kayo! Pakawalan ninyo kami!" sigaw ni Mleen mas lalong kinaladkad si Mleen ng humahatak sakanya.

"Dahan dahan naman." singhal ni Lim at Gio. Samantalang ako hindi makapagsalita ng makita ko ang paligid halatang mga masasama sila.

Isa lang ang pumasok sa isipan ko!

'WALANG LIGTAS NA LUGAR!'

"Mga bata pa kayo ah? Hahahaha paano kayo nakasurvive sa labas?" tanong nung lalaki na humahatak sakin.

WORLD WAR Z (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon