Lim's POV
TANG INA!
"Ano na tingin ko kailangan na natin silang sundan doon." wika ni Marky
Nasaan na ba sila? May nangyare ba? Kinakabahan ako okay lang ba sila? Si Mleen okay lang ba siya?
"Ayoko na hindi na ako tutunganga dito. Kailangan kong makita si Isha." sambit ni Arjay kahit naman ako ganun ang iniisip isang araw na ang lumipas pero hindi pa sila bumabalik.
Baka may ginawa na sakanila hindi maganda kaya hindi sila nakabalik.
"Sandali lang naman 'wag taong padalos dalos mag plano muna tayo mahirap na baka maisahan din tayo." singit ni Phil
"Magpasabog tayo." wika ko sakanila na siyang pinagtaka nila g tatlo.
Bakit?
"May plano na ako. Magpapasabog tayo sa tatlong side ng Train Statio tapos isa satin ang hahanap sakanila." sabi ko habang sila patango tango.
"Ako na ang hahanap sakanila." prisinta ni Arjay kaya pumayag kami.
"Hindi lang tayo magpapasabog mag dadala din tayo ng Zombie." napatingin ako kay Marky meron din palang magandang ideya 'tong si Marky.
"Wow pre. May utak ka pala." asar ni Phil kaya nag batukan sila.
"Sige. pero kailangan marami tayong Zombie na mahahakot maganda ang plano mo Marky pero mahihirapan tayo malayo ang mga Zombie dito. Kailangan pa nating bumalik." wika ko kaya napakamot siya ng ulo.
"Kami na ni Phil doon. Ihanda ninyo na yung mga pangpasabog sa bawat sentro ng tatlong lugar." sabi ni Marky sumang ayon kami.
Naghanda na kami sa mga kanya kanya naming gagawin.
"Mag ingat kayo." paalala ko kila Phil at Marky.
"Kayo rin." saad nila.
Umalis na sila sakay ng Police Mobile kami naman ni Arjay naglakad lang sa gubat papunta doon.
Maghintay lang kayo mga kasama papunta na kami para iligtas kayo.
Marky's POV
"Oh tanga bumusina ka kaya para maagaw natin ang atensyon nila?" gagong Phil 'to akala mo ang laki ng natutulong sakin.
"Tanga ka din syempre gusto ko pa ding mabuhay no kaya nag iingat ako." medyo malayo na kami doon sa pwesto nami kanina.
Konti palang na Zombie ang nahahakot namin. Mabagal lang kaming nagpatatakbo para makasunod sila samin.
"Tanga tanga mo naman Marky boy. Palit nga tayo papakitaan kita kung paano magpasunod ng Zombies." mayabang na saad ni Phil kaya nag palit kami siya na ang nasa Driver Seat.
Hinayaan ko si Phil sa gusto niyang mangyare.
Mga isang oras na ang makalipas lumiko si Phil sa isang shortcut para makalabas sa pinasukan naming lugar at bumalik sa kalsada.
"Tignan ka sa likod." mayabang na sambit ni Phil tumingin namana ko.
Halos malaglag ang panga ko kase SOBRANG daming Zombies ang nakasunod samin ngayon.
"Bilib ka nanaman habulin kase ang itsura ko." pagyayabang niya.
"Oo tanga habulin ng Zombies. Husay ikaw na King of all Kings ng mga tanga tarantado bilis bilisan mo naaabutan na tayo oh." pabagal kase siya ng pabagal dahilan yun para konting konti nalang at maabutan na kami.
"Kailan tayo huling nagpagasulina?" huh?
"SUMAGOT KA MARKY KAILAN TAYO HULING NAG PAGASULINA!?" patay na!
Tinignan ko yung tingin ng Fuel kung meron paba.
"TANG INA MO KA MALAY KO BILISAN MO KUNIN MO ITODO MO PARA MAKALAYO TAYO NG KONTI." sinagad naman na ni Phil nakalayo kami ng konti biglang tumirik ang Police Mobile kaya bumaba kami agad.
"Anak ng! Phil ayoko pang mamatay." sabi sakanya habang kinuhuha namin yung nga bags at baril na dala namin.
"Tanga mo talaga malamang mas ako. Sa gwapo kong 'to hindi pa ako handang magpalapa sa mga yan." sagunda niya tumatakbo kami ngayon para nakalayo ng pagitan sa mga Zombies sa likod.
"Parang pinapain natin ang sarili natin. Para tayong tangang dalawa tayo ang papatay satin ay! Tapos ikaw sobrang daming Zombie niyan!? Wala tayong sasakyan kaya bilisan mong tumakbo malayo layo pa tayo." sabi ko habang tumaktakbo patingin tingin din ako sa likod baka mamaya maaabutan na pala kami edi lalo ng lagot kaming dalawa pag nagkataon.
"Arrgh....Aaarrrggh..."
"Awrrrgh..."
"Rawwwrgh...Aaargghh..."
Ang ungol ng mga Zombies na yan ang nagpapakabog ng dibdib ko tss.
Takbo lang kami ng takbo ni Phil kung hanggang saan ang kaya paminsan minsan nag lalakad lang kami pag pagod na.
"Arrgh....Aaarrrggh..."
"Awrrrgh..."
"Rawwwrgh...Aaargghh..."
SOBRANG DAMI NA NILA MAS DUMAMI PA SILA KESA KANINA.
"Marky sa gilid mo!" mabilis akong napatingin at may dalawang Zombies ang papalapit samin kumuha kami ng kutsilyo at sa leeg namin sila sinaksak.
*SWISH!* *DOGSH!*
"Puntik na tayo doon." sabay na sabi namin
Nagpatuloy na kaming dalawa tumakbo may ilan ilan kaming nakakasalubong pag may malapit pinapatay na namin baka kami pa ang patayin.
"Konti nalang Phil. Hayst hingal na ako."
BINABASA MO ANG
WORLD WAR Z (COMPLETED)
Science FictionNoong una sa isang bansa lang may virus hindi pa takot ang iba. Pero hanggang isang araw bigla nalang mabilis 'tong kumalat at na-alarma ang lahat. Bakas sa mukha ng mga tao ang takot na baka mahawa sila at maging ka-isa ng mga 'to. Isa kaba sa maka...