WWZ Chapter 30

638 79 0
                                    

Mleen's POV

Inutusan kami ni Kat na mag impake at dalin ang mga kakailanganin namin kung sakaling lisanin namin ang lugaw na ito.

Magkahawak kamay kami ni Lim habang naglalakad. Pabalik na kase kami sa Food Station yun yung pinag iimbakan ng mga pagkain syempre hindi lang kami ang nandito para kumuha meron ding iba pang nangunguha medyo malayo ito sa Kapis at bahay ni Helena.

Habang kumukuha kami ng pagkain biglang may bumagsak na matandang lalaki sa likod namin.

Dugo?

"Walang sisigaw at taas kamay kung ayaw ninyong madamay sakaniya." pamilyar sakin ang mukha ng babaeng 'to may hawak siyang baril na merong silencer kaya hindi namin narinig na binaril niya ang matandang lalaki.

Samin siya ni Lim dumiretso may kasunod siyang mga lalaki kinuha nila ang lahat ng kasama namin dito at iginapos.

"Kamusta mga gunggong namiss ninyo ba kami?" sarkastikong tanong niya samin hinawakan niya si Lim sa mukha putang ina hindi ko napigilan ang sarili ko dinuraan ko siya kaya isang malakas na sampal ang ibinalik niya sakin.

"Ang lakas ng loob mong duraan ako pasalamat ka at hindi kita pwedeng tapusin ngayon si Dugong ang bahala sainyo. Pero kung ako lang talaga ngayon palang tinapos ko na kayo." inis na sambit niya.

Mag sasalita sana si Lim ng may pumukpok sa batok niya kaya nawalan siya ng malay nilingon ko ang likod namin may isang lalaking nandoon may pinaamoy siya sakin nang hihina ako.

Nagdodoble ang paningin ko natumba ako katabi ng katawan ni Lim inabot ko ang kamay niya bago ko pa maabot ay nawalan na ako ng malay.

Nite's POV

"May nakamasid satin." sabi ni Kat lilingon sana ako kaya lang "Napapalibutan nila tayo huwag kang lilingon makakahalata silang alam na nating nakapasok na sila." sabi ni Kat kaya gaya ng sinabi niya hindi ako lumingon umakto kami ng normal.

Habang tinitignan namin ang tarangkahan "Malapit na rin silang makapasok dito." sabi ni Kat nakita ko namang masisira na ang mga kahoy dahil sa dami ng mga Zombies na nagpupumilit na pumasok.

"Bibilang ako ng tatlo tatakbo tayo sa magkaibang direksyon." sabi niya "Ano hindi ayoko baka makuha kanila Kat ayoko." seryosong sabi ko naman kung maghihiwalay kaming dalawa hindi namin alam kung anong pwedeng mangyare saming dalawa.

"Nite hindi lang ako ang pwede mong iligtas alam mong kaya ko ang sarili ko. Pero paano yung ibang tao na nandito?" kahit gusto kong magprotesta hindi ko magawa bumuntong hininga ako bago siya harapin.

"Makakaalis naman tayo ng buhay dito diba?" tanong ko ngumiti naman siya sakin tsaka tumango.

Niyakap ko siya kasabay ng pagbilang niya.

Bumilang siya ng isa naniniwala akong makakaligtas tayo dito.

Bumilang ka ng dalawa lalaban tayo kahit anong mangyare.

Pag bumilang ka ng pangtatlo simula na ng laban.

"Tatlo." bilang niya sabay kaming tumakbo sa magkaibang direksyon ako papunta sa bahay ni Helena habang siya papunta sa ibang bahay.

Kahit alam kong may humahabol sakin hindi ako huminto sapag takbo hanggang makarating ako sa bahay nila Helena may narinig akong limang putok ng baril biglang pumasok sa isip ko si Kat huwag naman sanang may nangyare sama sakanya.

"Nite."salubong sakin ni Daniel hinatak niya ako papunta sa kwarto ni Helena.

Nadatnan namin si Helenang gising medyo namumutla pa siya dahil nang hihina pa din siya.

May hinatak si Daniel na para bang bukasan ng ilaw nagulat ako isang pintuan sa sahig ang biglang lumitaw papunta sa baba mukhang basement ng bahay ni Helena yun.

"Pumasok ka doon Nite." utos ni Daniel sakin taka akong tumingin sakanya.

"Bilisan mo Nite papunta na sila dito para kunin kami ni Helena pag naabutan ka nila dito mawawalan na kami ng taong pwedeng tumulong samin bukod kila Erika." sila Erika? "Nasaan sila Andrei? si Baby Cee okay lang ba sila?" tanong ko tumango naman siya.

May narinig kaming kalabog ng pinto.

"Pumasok kana Nite nandito na sila." mabilis akong pumasok doon itinuro ni Daniel kung saan ko pwedeng bukasan ulit yung pinto kung sakaling makaalis na sila dito.

Isinara na namin ang pintuan. Kasabay ng bumukas ang pintuan nila sabay sabay na yabag ang naririnig ko.

"Nagkita tayo ulit Daniel kamusta handa kana bang mamatay?" boses ng isang lalaki mukha siya si Dugong.

"Ano pang magagawa ko." seryosong sabi ni Daniel.

"Maliban hawak nanamin ang mga kabataang yun kulang pa pero mahuhuli din namin sila."

"Gaganti kami Daniel hindi lang sayo kundi sa mga batang tinulungan mo."


WORLD WAR Z (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon