WWZ Chapter 27

694 77 0
                                    

Mleen's POV

Pakiramdam ko katapusan na talaga namin dahil yung taong alam naming hindi matatakot kahit na alam niyang dehado kami ay nakaramdam ng takot.

"Natatakot ako." ulit niya hindi kami makagalaw nakatingin lang kami kay Kat habang siya nakatingin sa tarangkahan.

"G-gumaganti siya ginagawa niya s-satin ang ginawa ko sa  Kapitolyo noong iniligtas ko k-kayo." lumakad si Kat papunta doon sa tapat ng mismong tarangkahan.

Iba't ibang ungol kalabog kaluskos at pagpupumilit na pumasok ang tanging nais ng mga Zombies.

Hinatak ni Nite si Kat papalayo doon at hiniharap sakanya.

"Sumang ayon ka naalala mo? Sabi mo lalaban tayo kahit anong mangyare lalaban at lalaban tayo. Bakit ngayon natatakot ka?" seryosong tanong ni Nite. "Ikaw ba hindi ka natatakot tignan mo bulag kaba daang daang Zombie ang nasa labas na nagpupumilit na pumasok natural na makaramdam ako ng takot lalo na't alam kong hindi lang yan ang kakaharapin natin." hindi ko alam kung galit ba siya o takot lang talaga lahat naman kami nakakaramdam ng takot ngayon.

Nagulat ako ng yakapin siya ni Nite at sinabing "Iyak na." taena talaga kahit sa anong oras sweet sila nyeeeeeeta.

Yumakap pabalik si Kat sakanya tsaka humagulgol. Ngayon ko lang ulit siyang nakitang umiyak.

Nagulat ako ng yakapin ako ni Lim si Gio din naiyakap si Sam at Baby Cee inakbayan naman ni Andrei si Erika paalis sa pwesto namin.

Pagtapos nun lumakad na kami papunta sa bahay ni Helena doon ko kase nakitang pumunta sila Andrei.

Lumingon akong ulit sa tarangkahan konti nalang...

Alam kong bibigay na ang tarangkahan makakapasok na ang mga Zombie wala na kaming takas.

Andrei's POV

Nauna kami ni Erika na pumunta dito sa bahay ni Helena nagyayakapan pa sila eh hahahahah partida nasa likod lang nila ang daang daang Zombie na makapal na kahoy lang ang pagitan.

Pag pasok palang namin sinalubong agad kami ni Daniel ginagamot na daw si Helena kaya wag na kaming mag alala.

Kung pag mamasdan ng mabuti si Daniel maraming nagbago sakanya mahaba na ang buhok at tinatalian na niya tinutubuan na din siya ng bigote halatang wala siyang permanenteng tirahan sa labas kaya napapabayaan na niya ang sarili niya.

"Daniel eto na yung pinapakuha mo sakin." may pumasok na taga bantay may inabot kay Daniel damit ata yun at kung ano ano pa.

"Maraming salamat." sagot ni Daniel "Tataas lang ako." sabi ni Daniel samin at inilapat niya ang mga gamit niya.

Pag taas ni Daniel ay bumukas ang pintuan pumasok sila Kat paga pa ang mata niya ngayon ko lang ulit nakitang ganyan ang mata niya.

Puno ng takot.

"Nasaan si Daniel?" tanong ni Sam ibinigay niya kay Kat si Baby Cee "Nasa taas maliligo ata." sagot ni Erika.

WORLD WAR Z (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon