Daniel's POV
Nag aayos na kami ng dadalin namin para mamayang pag alis namin dahil hahanap kami ng masasakyan bukod doon hahanap na rin kami ng makakain dahil dumami na kami at hindi na sapat ang pagkain namin.
Napalingon kami sa pintuan ng kwarto dahil bumukas yun lumabas doon sila Mleen at Erika kasunod nila si Kat na karga karga si Baby Cee napansin naming pagang paga ang mata ni Kat dahil siguro kakaiyak kagabi.
Pumasok ako doon sa kwarto para tignan si Helena gising na rin pala siya.
"Aalis muna kami hahanap kami ng sasakyan iwan muna namin kayo dito." sabi ko tumango tango naman siya nagpaalam na ako para lumabas lalakad na sana ako paalis pero hinawakan ni Helena ang kamay ko.
"Sa-salamat sa lahat ng tu-tulong mo sakin pati doon sa mga kabataan na nandito." sabi niya ngumiti naman ako sakanya binitawan na niya ang kamay ko.
"Magpahinga kapa dyan wag ka munang tatayo ah aalis na kami." sabi ko tsaka lumabas na sa kwarto.
Paglabas ko sa kwarto naka ready na sila Arjay dahil oras na para lumabas at humanap ng sasakyan.
"Andrei at Lim yung paalala ko huwag maging pabaya pag may nakita kayong zombie na palakad lakad patayin ninyo agad yung mga babae protektahan ninyo." sabi ko sabay abot sakanila ng mga baril na gagamitin nila.
Bago ako sumunod kila Arjay na nasa labas na hinanap ko si Kat pero wala doon si Baby Cee din karga karga na ni Isha.
"Nasa labas siya sasama daw siya sainyo. Daniel isama ninyo nalang para mapreskohan naman ang kaisipan." sabi ni Andrei "Sige aalis na kami lock ninyo agad yung pinto pag alis namin." sabi ko sabay tapik sa balikat ni Andrei.
Paglabas ko nagsimula na silang lumakad sumunod nalang ako kabisado naman nila Arjay ang pasikot sikot dito.
Nakita ko si Kat may hawak na baril tapos sa bewang niya may magkabilang itak.
"Ssssh." biglang huminto sila Arjay at Nite may naririnig kaming ungol mula dito sa kinakatayuan namin lumingon lingon kami pero wala naman kaming makita.
Nagpatuloy nalang ulit kami sa paglalakad ng hindi na namin naririnig yung ungol.
"Isang sasakyan ba ang kailangan natin?" tanong ni Phil.
"Okay na siguro yung mga dalawang van ganun." sagot naman ni Marky.
"May plan B ba kayo kung sakaling pumalpak yang plan A ninyo?" tanong ni Kat kay Arjay. "Wala hahahaha." natatawang sagot ni Arjay napapailing iling nalang si Kat.
"Daniel ikaw naman dito sa unahan baka mamaya marami tayong makasalubong na zombie mas mabuting tanders first." biro ni Arjay lokong bata talaga 'to.
BINABASA MO ANG
WORLD WAR Z (COMPLETED)
Science FictionNoong una sa isang bansa lang may virus hindi pa takot ang iba. Pero hanggang isang araw bigla nalang mabilis 'tong kumalat at na-alarma ang lahat. Bakas sa mukha ng mga tao ang takot na baka mahawa sila at maging ka-isa ng mga 'to. Isa kaba sa maka...