Katrielle's POV
Kakagising ko lang andito ako ngayon sa rooftop tinatamad akong pumasok sa klase dahil alam ko namang pag iinitan lang ako ng mga teachers lalo na sa P.E ko hahaha.
Dito sa rooftop walang istorbo at tahimi- - - - -
*Ring* *Ring* *Ring*
Nyeeeeeta kakasabi ko lang na walang istorbo ay!
Kinuha ko yung cellphone ko at tinignan ko kung sino yung tumatawag.
Si Samantha lang pala masasapak ko talaga ang isang 'to eh.
"Kat asan ka!" halatang natatakot siya ano bang nangyare? "Sam bakit anong nangyayare sayo bat bumubulong ka?" tanong ko
"Nasa taas kami ng puno ang dami nila Kat nasaan kaba bat parang wala kang alam sa nangyayare." medyo inis na tanong niya. "Sorry naman nasa rooftop ako ano bang nangyayare saang puno yang tinutukoy mo?" sarkastikong sabi ko.
"HAYOP K- - - - - (wag kang sumigaw baka marinig ka nila)." boses ng lalaki kaninong boses naman kaya yun.
Ilang sandali bago mag salita ulit si Sam puro ungol lang ang naririnig ko papalakas tapos maya maya humina na hindi kaya? pero posible naman.
"Shit. Sam don't tell me nakikipag *TOOT* ka habang nasa puno." sabi ko may narinig akong tumatawa.
"Gago ka manahimik ka dyan hindi ako yun. Tumingin ka nga sa baba ng rooftop ng malalaman mo kung anong nangyayare sisipain kita sa mukha mo letse ka." pabulong na sabi niya lumakad naman ako malapit sa dulo ng rooftop at dumungaw ako para tanawin kung ano yung kailangan kong malaman.
Pag dungaw ko napamura ako agad.
"King ina! Sam anong nangyayare bakit puro dugo ang nakikita ko maraming estudyanteng nakahandusay at what the hell bakit may nakikita akong estudyanteng kumakain ng kamay fuck! Ano bang nangyayare" tanong ko "Yan nga ang gusto kong malaman sayo bakit parang wala kang alam eh puro sigawan nga kanina tapos ikaw ayan para kang ewan." inis na sabi ni Sam.
"Sorry naman, natulog ako kaya siguro hindi ko alam at tsaka sana tinawagan mo agad ako tang ines naman Sam paano ako makakaalis dito?" ewan ko ba pero nakaramdam lang ako ng matinding takot "Kat naman kase kung pumasok ka edi sana magkasama na tayo ngayon. Eto kakausapin daw ni Nite!" nanermon pa mukhang tanga ay pabalik balik ako sa paglalakad "Hoy sandali sino si Nite?" tanong ko may narinig naman akong nag 'tsk.' yun na ata yung Nite.
"Mamaya mo na alamin kung sino ako ang importante kung paano ka makakaalis dyan sa rooftop." yabang feeling mo naman gusto kitang makilala psh. "Teka paano naman ako aalis dito." inis na tanong ko.
"Teka lang wag kang mag madali (Nite bilisan mo sabihin mo na kung asaan siya dadaan kinakagat na kami ng karag dito ay!) Mag hintay ka dyan Gio kalalaki mong tao dami mong reklamo. Hello Katrielle sandali lang." punyeta ayoko sa lahat tinatawag ako sa buong pangalan ko narinig ko silang nag tatalo talo sa kabilang linya narinig ko din na parang bumaba na sila sa puno maya maya nag salita na ulit si Nite. "Pumunta ka sa pinakadulo ng rooftop sa kanan sumilip ka kung may zombie sa baba. Kapag wala may makikita kang hagdan na nasa gilid pwede mong gamit yun kaya lang luma na yan baka malaglag ka." HUWAAAAAAT "EH LUMA NA PALA TAPOS IPAPAGAMIT MO SAKIN PAANO KUNG MAHULOG AKO ANG TAAS TAAS NG BUILDING NATO ANO PAPAKAMATAY LANG?" siraulo pala ang lalaki 'to eh kung sakanya ko ipagamit ang lumang hagdan na yun ng makita niya.
"Sumilip ka ulit." kalmadong sabi niya edi sumilip ako ulit nagulat ako na andon na silang tatlo nakatingin sakin kumaway pa si Sam at pinapababa ako.
"Pag nahulog ka sasaluhin kita." >____< teka nga nag kakagulo na nga ang buong mundo Katrielle nakukuha mo pang lumandi bat ngayon pa? Lord wag sa gantong sitwasyon ninyo ko palandiin. "Bigay ko na sa kaibigan mo 'tong cellphone kakausapin ka daw niya."
"Kat wag kanang maraming arte nag madali kaming pumunta dito kaya bumababa kana kung hindi iiwan ka namin sige ka." pananakot ni Sam edi iwan mo parang hindi tayo mag kaibigan niyan ah.
*BLAAAAAG*
Napatingin ako sa pinto ng rooftop biglang bumukas at may pumasok na isang lalaki wakwak ang leeg.
"Arrgh! Arrgh! Arrgh!" papunta na siya sa direksyon ko hindi ko na alam ang gagawin ko.
Bababa na ko sa lumang hagdan na yun oh mag papakain dito sa letseng zombie na 'to.
"Arrgh! Arrgh! Arrgh!" ayan na yung zombie anong gagawin ko? Waaaaaaah bahala na.
BINABASA MO ANG
WORLD WAR Z (COMPLETED)
Science FictionNoong una sa isang bansa lang may virus hindi pa takot ang iba. Pero hanggang isang araw bigla nalang mabilis 'tong kumalat at na-alarma ang lahat. Bakas sa mukha ng mga tao ang takot na baka mahawa sila at maging ka-isa ng mga 'to. Isa kaba sa maka...