WWZ Chapter 25

918 77 0
                                    

Kat's POV

Pinag masdan ko ang paligid hanggang kailan ba kami magtatago sa likod ng mga makakapal na kahoy?

Habang tumatagal mas dumadami ang Zombie na ngangahas na pumasok hangga't maaari ay patayin na agad 'to para hindi na dumami at maipon.

Sa ganun paraan kami lumalaban para tumagal kaming buhay.

Tumingin ako sa bandang kaliwa may mga taong nagtatanim ng mga gulay.

Nakita ko si Baby Cee kasama ni Sam at Gio mukhang kakatapos lang nila mag dilig. Hindi ko makita sila Mleen, Lim, Erika at Andrei mukhang nasa loob sila ng Kapis (tawag sa bahay na punong puno ng mga armas.) Sila kase ang inatasan ni Helena na magbantay doon.

Sino si Helena? Siya ang babaeng nag mumuno dito sa lugar na 'to sa lugar na tinatawag niyang Safe Zone siya din ang dating namumuno sa Kapitolyo noon hawak pa nila 'to at kontrolado ang lahat tingin ko din ay kaedaran lang siya ni Daniel.

Gusto ninyo malaman kung nasaan si Daniel? Kahit kami hindi namin alam dahil simula nung araw na iniligtas niya kami yun na din ang huling nagpakita siya samin.

Hindi namin alam kung buhay pa ba siya o nahuli ba siya nung nag ngangalang Dugong.

"Kat may ipapakita ako sayo." sabi ni Nite agad niya akong hinatak papunta kung saan.

Hanggang mapagtanto kong nasa likod bahay kami ni Helena.

May pinakitang parte ng pader si Nite sakin nilapitan ko yun at binasa ang nakasulat.

"Simulan ninyo ng magtago dahil paparating na kami – Dugong."

Tumingin ako kay Nite tsaka naman ako tumingin sa paligid.

"Imposibleng maakyat nila ang mataas na kahoy Kat kung kaya man nilang umakyat kailangan muna nila dumaan sa harap para makarating dito pero puro bantay ang nandoon sobrang galing naman nila kung masasalisihan nila yun." paliwanag ni Nite tama siya bigla akong napaisip.

"Paano kung isa sa mga tao dito ang traydor?" tanong ko nagkibit balikat naman siya sakin kailangan malaman 'to ni Helena malaking gulo 'to.

Aalis sana ako pero bigla akong niyakap ni Nite.

"Huwag mong gagawin ang balak mo Kat alam mong magkakagulo ang lahat wala tayong lead kung sino o totoong may traydor. Huwag kang gagawa ng ikakapahamak mo pati ng iba hayaan mong ako na tumuklas dito pangako magiging okay ang lahat. Masyado kitang mahal kaya ayokong may mangyayare sayong hindi maganda." sabi niya na halatang nag aalala sakin kilala niya ako alam niyang kahit anong paki usap niya hindi ako makikinig sakanya.

Hinawakan ko siya sa magkabilang pisnge tsaka siya binigyan ng isang mabilis na halik.

"Okay pero hayaan mong tulungan kitang mag imbestiga kung sino ang may gawa nito. Dapat alam natin ang plano ng isa't isa mula ngayon bawal na tayong magtiwala sa iba maliban kila Sam sa grupo natin." sabi ko sabay niyakap ko siya ng mahigpit hindi ko sukat akalaing mamahalin kita ng ganto Nite kung kailan katapusan na ng mundo tsaka pa tayo humarot ng ganto tsk tsk tsk.

"Tara na baka may hinahanap na tayo ni Helena alam ko ay may ipapagawa siya satin." sabi niya hinawakan niya ako sa kamay at sabay kaming lumakad papalayo sa lugar na yun.

Habang naglalakad kami napapatingin ako sa bawat taong nandito.

Kung may traydor nga pero sino?

"Nite sino ba yung laging lumalabas para pumunta sa bayan?" tanong ko sakanya pero mahina lang naman baka kase may makarinig.

"Sila Lim madalas minsan naman ay yung tauhan ni Helena bakit?" sabi niya "Malay mo isa doon ang traydor? Pwedeng kapag lumalabas sila dito ay nakikipagkita sila sa grupo ni Dugong."

"Hahahah parehas pala tayo ng naiisip mamaya na nating pagusapan yan pumunta muna tayo kay Helena." ginulo niya ang buhok ko sabay inakbayan ako at tinahak na namin ang daan papunta kay Helena naghihintay siya sa labas ng Kapis seryosong pinagmamasdan ang paligid? O mga tao? hindi madaling mabasa kung ano ang tumatakbo sa isipan ni Helena.

Nang makalapit kami sa pwesto niya ay "Kanina ko pa kayo hinihintay may ipapakita ako sainyo sa tarangkahan." ano kayang meron sa tarangkahan? Lumakad kami papunta sa tarangkahan may nag aabang saming tatlong tagabantay.

"Bukasan ninyo." utos ni Helena sapag bukas ng tarangkahan ay may tumambad saming dugo masangsang ang amoy mukha dugo ng Zombie?

"Sino ang may gawa niyan Helena?" tanong ni Nite inilibot ko ang tingin hindi lang basta dugo.

Isang mensaheng dugo ang pinansulat sino ang gagawa nito?

Nakita kong pumasok si Nite sa loob umakyat sa hagdanan kaya sinundan ko siya.

"Nakakita kayo ng taguan pero hindi ninyo ako matataguan – Dugong."

Sabay kami napamura ni Nite bakit ba hindi kami tinatantanan ni Dugong?

WORLD WAR Z (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon