Kat's POV
Fuck!
Kinuwento lahat ni Miggy samin kung paano nawala si Lim gusto ko sumigaw gusto kong umiyak!
Ganun ganun lang nawalan kami ng kaibigan! Tang inang buhay 'to hindi kami handang mawala si Lim lalo na si Mleen.
Simula ng bumalik sila dito hindi siya kumikibo.
Lagi ko siyang naririnig na umiiyak tapos laging mugto ang mata.
Hindi ko siya masisisi mahal niya yung tao siguro ganun talaga.
Pero wala e! Alam naming ganun ang buhay pag lumabas ka anytime pwedeng may mawala na hindi na kumpleto ang babalik.
Tang inang zombies yan! Sa dami ng nakain laging gutom!
"Lumabas na ba siya?" tanong sakin ni Miggy halatang nag aalala. "Oo pero saglit lang. Hayaan muna natin siya matatanggap niya rin." sabi ni Erika habang inaabot kay Andrei ang mga sangang pang siga.
"Hindi pa siya kumain simula ng bumalik kayo papatayin niya ata ang sarili niya sa gutom." singit ni Phil at nagpupunas ng pawis.
Wala sila Nite, Daniel at Marky umalis para maghanap ng mga kung ano ano.
Si Helena at Isha nasa taas ng tree house kasama sila Gigi at Cee.
Si Mleen? Nandoon din sa taas sa lugar nila ni Lim dati na ngayon sakanya nalang mag isa.
"Kausapin mo na kaya Kat?" sabi ni Andrei kaya tumango ako at umakyat sa taas.
Sana lang makumbinsi ko.
Kahit masakit dapat tanggapin niya. Hindi lang siya yung nawalan pati kami nawalan kami ng kaibigan pero hinanda ko na yung sarili ko sa mga gantong bagay.
Kase alam ko sa bawat araw na lilipas hindi lagi nakakaligtas kami.
May mawawala at hindi na makakabalik.
"Umiiyak ka nanaman." bungad ko kay Mleen ng makita ko siya.
Tumingin siya sakin at inayakap ako sakin siya humagulgol.
Teka pati tuloy ako naiiyak na!
"Kat bakit siya ba? Bakit ang sakit! Hindi ako sa mga gantong sitwasyon. Tang ina Kat! Paano ako babangon!" humihikbi siya habang sinasabi sakin ang mga yun.
Kaibigan Mleen bumangon ka para samin. Mag survive ka para samin!
"Mleen alam ko masakit hindi lang ikaw ang nasasaktan pati kami nawalan ka ng boyfriend. Oo! Nawalan rin kami ng kaibigan. Hindi nila pinapakita sayong malungkot sila kase paano ka? Lalo mong dadamdamin. Umiyak ka ngayon bukas tumahan kana tapos laban ulit. Nandito kame para sayo! Hindi natin alam kung kailan ulit tayo mawawalan. Dapat ihanda natin ang mga sarili natin. Tang ina kung alam mo lang kung gaano kami nag aalala sayo. Tingin mo gusto ni Lim na ganyan ka." hindi ko maiwasang ilabas ang emosyon ko pati narin ang manermon sakanya.
Para magising siya sa kalungkot na bumalot sakanya dahil hindi siya nag iisa nandito kami! Kasama niya kami.
"Kat sorry! Sorry nag aalala na kayo sakin pero ako pinapabayaan ko ang sarili ko. Sorry!" umiiyak na sabi ni Mleen sakin.
Nawalan tayo Mleen kaya ramdam kita hindi ka nag iisa.
"Umiyak ka ngayon bukas hindi na. Isipin nalang natin na nasa ligtas ng lugar si Lim." bulong ko at inalo alo ko siya hanggang makatulog.
Iniwan ko na siya nung nakatulog bumaba na ako at nadatnan kong nandoon na si Nite kaya nilapitan ko siya.
"Okay lang ba kayo?" bungad ko sakanya ngumiti siya at hinalikan ako sa labi.
Hindi ko maiisip kung paano si Nite mawala din sakin? Kakayanin ko pa kaya?
"Oo beyb. Saan ka galing?" balik na tanong niya sakin.
Tinuro ko yung tree house namin.
"Si Mleen okay na ba siya?" singit ni Daniel na may hawak na paper bag para kanino yun? "Kay Helena 'to mga bagong damit." sabi ni Daniel siguro ay nabasa ang nasa isip ko.
"Kamusta na nga si Mleen?" ulit niya.
"Okay na ata?" hindi ko sure e!
Napabuntong hininga nalang si Daniel bago umakyat sa taas.
Lumapit kami kila Phil dahil naka upo sila malapit sa sinigaan nagluluto rin sila.
"Oh isang ngiti nga dyan." sabi ni Marky at may camerang nilabas kaya nag pose kami ni Nite.
"Nakuha namin yun sa isang kotse swerte at gumagana pa." sabi ni Nite kaya tumingin ako kila Marky nag kakatuwaan sila.
"Miggy pagkaluto dalan mo si Mleen ng makakain." sabi ko dahil alam kong nag aalala siya lalo na at siya ang gumawa ng bagay na yun para hindi tuluyang maging halimaw si Lim.
Bakit ba kase kailan may mawala pa? Sana...
yung mga halimaw nalang yun ang mawala!
BINABASA MO ANG
WORLD WAR Z (COMPLETED)
Science FictionNoong una sa isang bansa lang may virus hindi pa takot ang iba. Pero hanggang isang araw bigla nalang mabilis 'tong kumalat at na-alarma ang lahat. Bakas sa mukha ng mga tao ang takot na baka mahawa sila at maging ka-isa ng mga 'to. Isa kaba sa maka...