Side story ni Sam bago magkaroon ng Zombie Apocalypse at paano niya nakilala sila Nite.
*****
Samantha's POV
Andito kami sa Gym friday kase ngayon at P.E malas ko nalang at wala si Kat ako nanaman ang pag iinitan ni Sir.
"Samantha nasaan nanaman si Katrielle? Lagi nalang siyang wala sa klase ko hindi pumapasok may balak ba siyang ipasa ang subject ko?" kitam sabi sa inyo eh pag wala si Kat ako ang puntirya nakakahiya may taga ibang section pamandin ang nandito.
"Sir hindi ko ho alam kung nasaan si Katrielle hindi ko naman ho hawak ang mga paa nun para malaman kung saan pumunta." medyo sarkastikong sabi ko kala mo ikaw lang pwedeng mamahiya ulol mo Sir.
"Aba't sumasagot ka pa?" inis na tanong niya baliw pala ang isang 'to eh "Sir malamang tinatanong ninyo ho ako eh, pag hindi naman ho ako sumagot magagalit din kayo saan ho ba ako lulugar sa inyo Sir." pang iinis ko lalo sakanya epektib naman dahil namumula na siya sa galit.
"Astig." narinig kong sabi ng lalaki sa taga ibang section alam ko Gio pangalan nun.
"Ikaw tal—" naputol yung sasabihin niya dahil may sumigaw na babae.
"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" halos magulantang ang lahat makita kung ano yun. Kahit ako hindi ako makapaniwala
"TULONG! TULUNGAN NINYO AKOOO PARANG AWA NINYO NA AAAAAAAHHHHHHH!"
"LUMAYO KA SAKIN WAAAAAAAAAH!"
"Arrgh! Arrgh! Arrgh!"
Ayokong maniwala hindi 'to totoo.
"LAHAT NG ESTUDYANTE TUMAKBO NA KAYO AT MAG TAGO BILISAN NINYO." sigaw ng Guard habang pinapalo ng batuta niya ang ilan sa mga Zombies.
OO ZOMBIE HINDI AKO NANINIWALA PERO SA NAKIKITA KO NGAYON TINGIN KO KAILANGAN KONG MANIWALA.
Si Kat kailangan kong makita si Kat nasaan na ba kase ang babaeng yun.
Tumakbo ako papunta sa Exit ng Gym dahil kaunti palang naman ang Zombie doon kaya pwede ba kong dumaan buti nalang talaga ay friday ngayon dahil jogging pants at t-shirt ang suot namin madaling gumalaw galaw.
Mabilis akong tumakbo papunta doon pero malas dahil bigla nalang may nag sipasok na Zombie mula sa Exit kaya agad akong napaatras.
"Dito tayo!" may humawak sa kamay ko at hinatak ako sa gilid tinignan ko kung sino yung humawak sakin si Gio pala.
BINABASA MO ANG
WORLD WAR Z (COMPLETED)
Ficção CientíficaNoong una sa isang bansa lang may virus hindi pa takot ang iba. Pero hanggang isang araw bigla nalang mabilis 'tong kumalat at na-alarma ang lahat. Bakas sa mukha ng mga tao ang takot na baka mahawa sila at maging ka-isa ng mga 'to. Isa kaba sa maka...