WWZ Chapter 32

601 72 2
                                    

Nite's POV

Nagising ako dahil sa putukang nangyayare nakatulog pala ako dito sa pinasukan sakin ni Daniel.

Tumingin ako sa maliit na bintanang nandito madilim na sa labas gabi na ata o mag uumaga na?

Kat?

Oo nga pala sila Kat kailangan ko silang puntahan kailangan ko silang iligtas.

Pinakiramdaman ko muna kung wala ng tao sa labas mukhang wala naman na kaya binuksan ko ang pintuan gaya ng itinuro ni Daniel para mabuksan ko.

Paglabas ko doon ay walang Daniel walang Helena.

Lumabas ako sa kwartong yun at dumiretso nasa pintuan sa harap kailangan kong makita sila Kat.

Paglabas ko ng bahay ni Helena maingat akong pinagmasdan ang paligid hindi pwedeng may makakita sakin hindi ko matutungan sila Kat kung pati ako mahuhuli.

"Kailangan na nating umalis dito masisira na ang tarangkahan kailangan masabihan natin si Dugong at yung iba pa." mabilis akong nagtago ng may dalawang lalaki naglalakad mukhang papunta sa Kapis.

"Sige tara ang alam ko ay marami nanaman siyang pinatay." kinabahan ako bigla dahi sa sinabi ng dalawang yun.

Lumakad ako pabalik sa bahay ni Helena kailangan kong magplano kung paano ko sila ililigtas.

Nagmamadali akong pumasok sa bahay ni Helena pero maingat din syempre mahirap ng mahuli baka hindi ko matulungan ang mga kasamahan ko.

Pagpasok ko sa bahay ay dali dali kong isinara yun.

Naghanap ako ng pwedeng gamiting armas.

Habang naghahanap ako may isang kulay asul na papel ang nakita ko may nakasulat na pangalan ko doon kaya naman dali dali kong kinuha at binasa ang nakasulat doon.

Nite...

Nakasulat sa umpisang papel.

May mga armas akong itinago sa banyo itinago ko yun bago pa kami o kung sino man ang makuha ni Dugong satin. Mag tiwala ka sakin pati sa mga kaibigan mong pinatakas ko. Sila Andrei, Erika at si Baby Cee ay pinapunta ko sa lugar kung saan ako namuhay ng matagal may mga tao doon alam kong matutulungan nila tayo. Nite huwag kang matakot siguradong ligtas kami. Ngayon ang gawin mo ay huwag kang padalos dalos pumunta ka sa likod ng Kapis doon dadaan pabalik ang mga kaibigan mo kasama ang tauhan ko. Nite inuulit ko huwag kang magpapadalo dalos.

Daniel...

Sulat kamay pala 'to Daniel nakatakas pala sila Andrei nawala na sila sa isipan ko dahil nag aalala ako sa lahat. Subukan lang ni Dugong na saktan si Kat o ang iba samin ako mismo ang papatay sakanya.

Gaya ng sabi ni Daniel doon sa sulat pumunta ako sa banyo hinanap ko ang mga armas na sinasabi niya may natagpuan akong tatlong baril isang katana.

Nagmamadali akong bumaba at sa likod bahay na ako dumaan para pumanta sa likod ng Kapis mas malapit kase kung sa likod bahay ni Helena dadaan.

Maingat akong lumalakad baka kase may makakita o may makasalubong ako dapat ay handa ako sa pwedeng mangyare.

Isang bahay nalang at nasa likod na ako ng Kapis palakad palang ako ng may narinig akong yabag papunta sa kinaroroonan ko.

Shit!

"Anong gagawin mo? Napuntahan na namin yan kanina wala dyan yung hinahanap natin." ako ata ang hinahanap nila papalapit ng papalapit ang yabag na naririnig ko.

"Nagbabaka sakali lang." boses ng babae ang narinig ko.

Bumwelo na ako na handa ko siyang sugurin ng katana kung sakaling makita niya ako wala akong pagtataguan.

"Bilisan mo na hindi mo naman gustong paghintayin si Dugong hindi ba? Kailangan nating mahanap yung isang lalaki na kasama kanina nung Kat at yung iba pa." sabi nung lalaki "Alam ko nasaan nga pala dinala ni Dugong yung mga yun?" tanong nung babae pero parang kakaiba yung pagkakabigkas niya nun. Parang may gusto siyang iparating.

Alam kong malapit na sila sakin.

"Nasa Kapis sila." napa 'Aahh' nalang yung babae tsaka sila naglakad paaalis.

Pinanood kong lumakad sila papalayo napalingon pa yung babae at tumango pa sakin.

Kakampi ba namin siya?

Salamat kung sino kaman.

Dali dali akong lumakad papunta sa likod ng Kapis kailangan kong mag ingat dahil alam kong nasa loob lang sila Dugong at ang mga kaibigan ko.

Ilang minuto akong nakatayo dito sa likod ng Kapis hindi ko alam kung ano ang hinihintay ko dito.

Buti nalang at madilim dilim pa.

May naririnig akong kumakaluskos doon sa damuhan hindi kaya may zombie na doon?

"Pre. dahan dahan lang baka may kalaban sa loob." boses ng lalaki.

Dahan dahan akong lumapit doon hinawakan ko ng mabuti ang katanang hawak ko.

"Hindi ko nga mabuksan." boses naman ng isa pang lalaki.

Lumapit ako doon sa parteng kumalakuskos.

"Sige magtalo pa kayo dyan buti at hindi sumama sila Isha kundi nasapok na kayong dalawa." ibang boses ulit ang narinig ko.

"Wag kayong maingay baka may makarinig satin." yung boses na yun...

"Andrei." bulong ko agad kong hinawi ang damuhan isang pintuan ang nakita ko ako na mismo ang humatak sa pintuan para makapasok sila.

"Nite?" sambit ni Andrei ng makita ako may tatlong lalaki siyang kasama lahat sila ay may armas.

Dahan dahan silang pumasok dahil ang sabi ko ay nasa loob lang ng Kapis sila Dugong.

"Iligtas na natin sila." sabi ng isang lalaki wala kaming oras para makipag kilala kailangan nanaming mailigtas sila Kat.


WORLD WAR Z (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon