WWZ THE LAST CHAPTER

1.2K 94 11
                                    

Kat's POV

"Babae o lalaki?" kahit na hihirapan ay pinilit kong dumilat.

"Omg! It's a boy! Tignan ninyo kamukha kamukha ni Nite!"

Naalala ko nanaman sila ang tagal na mula ng mawala sila Gio, Sam, Lim, Marky, Phil at lalo na si Nite.

Sinong bang mag aakalang buntis ako noon. Grabe nung mga oras na akala ko hind ko na kaya bigla kong malalaman na buntis ako.

Salamat kay Mleen at nalaman ko kaya pala noon. Hindi maganda ang pakiramdam ko.

Guys! Nakikita ninyo ba may bago tayong baby!

"Nathan." yun ang sabi ko sakanila.

"NAKO BABY NATHAN WELCOME TO THE WORLD!" masaya akong masaya sila.

Nite masaya ka din ba? May kapatid na si Cee tulad ng gusto mo.






Mleen's POV

Biglang dumating si Sheena at humahangos pa.

Busy pa kami ni Miggy sa pagpatay ng mga zombies ay problema niya?

"Si Kat! Nanganak na! Lalaki Nathan pangalan."

O M G !

"Miggy may pamangkin na ako! Meron na akong pamangkin." agad kong binatawan ang samurai pinulot naman yun ni Sheena.

"Hoy saan ka pupunta hindi kapa tapos sa trabaho mo!" sabi ni Sheen kaya nag babye ako sakanya.

Bruha pupuntahan ko sila!

Nite! See may anak kana nakabuo ka walangya! Kasama mo ba sila ngayon nakikita ninyo ba kami? Survivors na kami. Nakatagal kami kinaya namin kahit sobrang dami nating pinag daanan kinaya namin.

Simula ng makuha at nadala namin ang lunas sa laboratoryo ay nagkaroon kami ng pag asa.

Ang daming nag sakripisyo bago pa namin marating kung nasaan kami ngayon.

Susubukan naming ibalik sa dati ang lahat.

Matatagalan pero susubukan namin.

Hahanap pa kami ng mga survivors siguradong marami pa namang nakigtas diba?

"Mleen huwag kang tumakbo kakalampaso lang baka madulas ka." sabi ni Helena.

Sinisikap naming mamuhay ng normal simula ng makahanap ng lunas oo sa una mahirap. Sa una mangangapa ka kase hello! Zombie na yung mga makakasalamuhan namin pero hindi na kami kinakain nilalayuan nila kami at syempre pinapatay na namin.

Hindi kami nag gugutom dahil maraming tanim na kung ano ano dito una mga kamote, mais at marami pang iba.

"Nanganak na si Kat! Helena lola kana at lolo na si Daniel hahahaha." biro ko kaya natawa siya.

"SINONG LOLO?" biglang sumulpot si Daniel tinuro ko siya "Ikaw lolo hahahaha." sabi ko at nilagpasan siya umiling iling naman si lolo este si Daniel.

Nako huwah mong kargahin yon ah.

"Mleen bumalik ka dito over!" nako epal na walkie talkie 'to pinatay ko nalang para hindi ako kulitin ni Miggy nandoon naman si Sheena sila muna magpatay ng halimaw doon.

Pagdating ko doon sa kwarto kung saan dinala si Kat aba! Nilulugo na nila yung anak ni Kat!

"Oh! Oh! Ako naman. Magandang tita naman respeto lang!" sabi ko habang hinahawi hawi sila.

Inabot naman agad sakin ni Isha.

"Wooooow kamukhang kamukha ni Nite lakad ng kupal na yun ah! Hello baby ako si tita ganda." narinig ko namang nag uubuhan sila sa likod ko.

Oh mga inggetera! Palibhasa ang papangit!

"Hoy 'wag mong takutin yung bata." sabi ni Arjay pinakyuhan ko siya "Baka ikaw ang ilibing ko sa hukay at hindi ang mga zombie!" pananakot ko.

"Baby kita mo yang mukhang yan! Ganda ng tita mo no." oh takot naman pala.

Tumawa kaming lahat.

Tumigil din agad dahil tulog si Kat.






Sa dami naming pinag daanan sa mundo ng mga patay? Siguro deserve naman naming mamuhay ng normal ngayon. Diba?

Dito sa lugar kung nasaan kami ngayon.

Dito ang totoong ligtas wala ng iba dito lang.

Dito ang totoo Safe Zone.

Nawalan man kami ng mga minamahal tuloy ang laban. Hindi pa dito natatapos ang lahat. Dahil dito palang magsisimula ang lahat.

Kami laban sa mga patay hanggang saan nga ba ang kakayanin namin?

Dito sa...


















WORLD WAR Z.

WORLD WAR Z (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon