WWZ Chapter 20

955 101 0
                                    

Nite's POV


Eto na simula na ng bibyahe namin na wala si Kat grabe ngayon palang namimiss ko na siya. Ang tanga ko sana una palang sumama na ako sakanila 'di sana buhay siya! Sana may Kat kaming kasama, tapos hindi kami mababawasan. Kasalanan ko lahat nawala si Kat samin... saakin hindi ko manlang nasabi na gusto ko siya na MAHAL KO siya.

"Nite kumain na kayo ni Baby Cee." malungkot na sabi ni Mleen paga pa din ang mga mata niya simula ng umalis na kami at ipinagpatuloy ang byahe tinuloy pa din namin ang plano ni Kat para din samin 'to.

Hindi na namin kakayanin kung may mawawala nanaman sa kaibigan namin.

Kumuha na ako ng makakain dinamihan ko para salo nalang kami ni Baby Cee siya nalang ang pagtutuunan ko ng pansin.

Pagnakikita at nakakasama ko si Baby Cee si Kat ang naaalala ko.

Ilang minuto natapos na din kaming kumain ni Baby Cee.

*EEEEEKKKKK*

*BOGSH*

*BLAAAG*

Ano yun?

"Bumangga yung Van nila Jane!" sabi ni Gio habang nakasilip sa bintana.

Huminto naman sa pagdadrive si Lim.

"Shit! Bumangga sila Jane sa puno anong nangyare bakit sila bumangga?" tarantang sambit ni Sam.

Walang pumansin sa tanong niua binigay ko si Baby Cee sakanya.

Tumigil ang RV namin at dalidali kaming lumabas nila Lim, Mleen habang si Gio may dalang baril at nakasunod samin.

Sa lakas ng tunog na nalikha nung bumangga ang Van na dinadrive nila Jane siguradong maraming Zombie sa gubat ang nakarinig nun.

At siguradong papunta na sila samin ngayon hindi sila nakakakita pero nakakaramdam sila at nakakarinig yun ang paraan nila para makahanap sila ng makakain nila.

"Nite doon ka sa kabila dito kami." sabi ni Lim pumunta naman ako agad doon sa kabila.

Sa sobrang lakas ng pwersa na pagtama ng Van yuping yupi yung unahan.

"SHIT! NITE SA LIKOD MO!" sigaw ni Mleen agad naman akong lumingon sa likod.

"Hawrr... hawrr..."

"Arrrgh... arrrgh..."

Paglingon ko may dalawang Zombie ang papalapit sakin. Wala akong dalang kahit ako kaya.

*TUGSH*

Sinipa ko yung isa dahilan para mataob siya habang yung isa naman buong lakas kong inuutog ang ulo sa puno.

*PLAAAAAK*

Tumalsik sakin yung mga parteng nadurog dahil sa pagkakauntog ko sakanya sa puno.

Tumingin ako doon sa isa hindi pa din nakakatayo pumulot ako ng malaking bato para ipokpok sa ulo.

WORLD WAR Z (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon