WWZ Chapter 15

1.1K 108 1
                                    

Kat's POV

Minsan kong hiling ang gantong mundo pero hindi ko naman inaasahan na ganto pala!

Araw araw kailangan naming humanap ng ligtas na lugar para lang makapagpahinga ng ayos.

Habang tumatagal nakakasanayan na rin namin ang gantong sistema.

Hahanap ng lugar na pwedeng tuluyan.

Tutulog ng may takot na nararamdaman.

Gigising para sa panibagong pakikipagsapalaran.

Sa mundo ng mga halimaw ang naninirahan.

Kahit saan kami magtago mahahanap at mahahanap parin nila kami walang ligtas na lugar walang pwedeng pagkatiwalaan.

Busy ako sa pagdadrive mag gagabi na din kase kaya naman kailangan namin ng panibagong tutuluyan yung siguradong ligtas kami kahit isang araw lang.

Medyo maliwanag pa naman kaya hindi pa ako nahihirapan sa paghahanap.

Katabi ko si Nite habang yung iba nakaupo sa sofa at nakatanaw din sa bintana.

Yung tatlo naman na nakita namin sa supermarket ayun nasa kwarto bulagta na. Alam ko na din ang mga pangalan nila yung lalaki Ryan yung maliit na babae hindi naman sobrang liit sakto lang at yung maarteng babae Elies ang pangalan.

"Bonak ka talaga pagluluto lang hindi mo pa alam Sam nakakahiya ka kababae mong tao oh bonak ka bonakkkkkkkk!" nako nagtatalo nanaman sila Mleen at Sam lagi kase silang nakatoka sa pagluluto.

"Aray naman ah preno preno sa pagsasabi ng bonak 'te girl hindi rin ako marunong magluto bonak agad diba pwedeng rich kid kaya may katulong sa bahay?" sabi ko wala lang nakikiepal lang hahahaha.

"Ano yung bonak?" sabay sabay na tanong nila Nite, Gio at Lim napapreno naman ako kaya ayun nagkauntog untog sila syempre kasama na ako doon hahahahahaha.

"Oh tignan mo Mleen hindi lang ako ang bonak dito pati ang tatlong itlog na 'to oh bwahahahahahah. Boys ang bonak ay bonakid!" anak ka ng... Ang bobo mo Sam grabe ka! Grabe grabe =___=

*BOGSH* nakatanggap siya ng batok mula kay Mleen buti nga sayo.

"Aray naman Mleen tama naman ako ah ang bonak ay bonakid mali ba?" lintek na gaganun pa!

"Ang bobo mo iba yun tanga tanga ang BONAK ay hindi BONAKID ungas ang BONAK ay BOBONG ANAK pinaikli lang ngayon alam mo na!" husay mo 'te girl ganda ka?

Nagdrive na ako ulit ayoko ng makisali sa bangayan nila bahala sila. Basta ako magdadrive tas preno ng biglaan para mauntog ulit sila bwahahahahaha. Napatigil ako ng tawa syempre sa isip ko lang yun kase may nakita akong karatula.

Kaya naman talagang napapreno nanaman ako ng biglaan ayun nagkauntog untog nanaman sila.

"Shit! Naman Kat matuto ka namang prumeno ng dahan dahan yung swabe lang nakakabukol kami sayo ay!" singhal ni Lim pero wala akong pakialam tumayo ako at lumabas ng RV narinig kong sinisigaw nila ang pangalan ko pero dedma lang hanggang makalapit ako sa karatula.

Naramdaman kong sumunod sila sakin at tumingin din sa karatula.

"Ano yan?" takang tanong ni Gio "Bonak ka din pre. malamang dugo yan na ginamit pang sulat alanganamang putik diba?" isa pa 'tong si Lim tsk. Lumapit doon si Nite para hawakan yung nakasulat sa karatula.

"Basa pa." bulong ni Nite pero dahil malapit ako sakanya narinig ko tumingin kami sa paligid nakiramdam lang kung nandito pa ba yung naglagay ng karatula pero wala na.

"Bumalik na tayo sa loob ng RV magdidilim na baka mapasama pa tayo dito sa labas maging Zombie tayo ng wala sa oras." mabilis na sabi ni Nite kaya umalis na kami doon at pumasok na ulit sa loob ng RV.

Dahil na huli akong lumakad muli kong sinilayan ang karatula na iyon.

Nagdadalawang isip ako kung papaniwalaan ko ba ang nakasulat doon o hindi.

Dahil simula't sapul walang ligtas na lugar.

Sumakay na ako ulit at nagdrive hindi mawala sa isip ko ang nakasulat doon.

'KAPITOLYO LUGAR PARA SA LAHAT NG NAKALIGTAS'

"Saan yung Kapitolyo Nite? tanong ko habang nagdadrive tumingin naman siya sakin tsaka bumuntong hininga.

"Yun ang sentro ng syudad Kat kung saan nakatayo ang simbahan ng St. Francis of Assisi... Hindi natin alam kung totoo yun dahil marami ng nagbago Kat para sakin wala ng ligtas na lugar." malumanay na sagot niya pero punong puno ng lungkot.

"Hindi masamang sumubok Nite lalo na kung desperado kanang mabuhay ulit ng mapayapa at ligtas. Nite gusto kong subukan, gusto kong puntahan." sabi ko habang diretso ang tingin sa daan.

"Kahit ba sabihin kong sentro yun nga mga Zombie na naghahanap ng makakain tulad ng kwento sakin ni Keo walang kasiguraduhan kung totoo nga ba yan. Mahirap maniwala sa mga taong mas marami ang pagkain kesa armas." malungkot na sabi niya siguro nga marami ng karatulang ganto pero bakit ngayon ko lang napansin? Nakita na rin ba 'to nila Keo at eto din siguro ang lugar na gusto nilang puntahan namin.

Pero paano kami nakakasigurong ligtas doon paano kung isa lang yung malaking kalokohan.

"Pero kung gusto mo talagang pumunta doon sige subukan natin pero wag tayong umasa Kat sa panahon natin ngayon wala ng kasiguraduhan ang lahat." sabi ni Nite tumango ako at humanap ng pwedeng matuluyan namin.

Biglang nagflashback sakin ang lahat kung saan kami nagsimula. Pagtutulungan ang dahilan kung bakit hanggang ngayon buhay kami at nakikipaglaban.

Hangga't magkakasama kami mapapanatili naming ligtas ang isa't isa yun ang kasiguraduhang alam ko kaya sana naman hangga't maaari ayokong masira ang kasiguraduhan na iyon kase yun nalang ang pinanghahawakan ko.

Yun nalang ang pinagkukunan ko ng lakas para sa araw araw na kakaharapin namin.


WORLD WAR Z (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon