Andrei's POV
"HINDI! HINDI!" lalabas sana ako para tulungan sila Gio at Sam may tatlong lalaking kumuha sakanila pero pinigilan ako ni Daniel.
"Nag sisimula na sila." mahinahong tugon ni Daniel habang si Erika nakatulala lang sa bintana kitang kita naming dalawa kung paano nila kunin sila Sam.
Putang ina wala nanaman akong nagawa!
"Bitawan mo ako Daniel! BITAWAN MO AKO KAILANGAN AKO NG MGA KAIBIGAN KO!" nagpupumiglas ako pero hindi niya ako pinakawalan.
"Tumakas kayo." napahinto ako sa sinabi ni Daniel tumakas kami pero bakit?
"Ano bang sinasabi mo dyan na tumakas kami nandoon yung mga kaibigan ko kinuha tapos kami papatakasin mo?" hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan ni Daniel.
"Kung gusto mo silang tulungan makinig ka sakin tumakas kayo." seryoso pa din tugon ni Daniel sakin binitawan na niya ako gusto kong tumakbo papunta kila Sam.
"Andrei makinig nalang tayo sakaniya may tiwala ako kay Daniel." seryosong sambit ni Erika kahit ayokong tumakas gusto kong sabay sabay kami lalaban pero kung ito lang ang pwede naming gawin okay sige susundin ko si Daniel.
Umakyat ako para kunin si Baby Cee bago ako umalis narinig kong may sinabi si Daniel kay Erika.
Pagkapasok ko sa kwarto agad kong binuhat si Baby Cee bumaba agad ako nakita ko namang may dalang bag si Erika tsaka isang baril meron ding dalawang itak na nakalagay sa bewang.
"Sa likod kayo dumaan papuntang Kapis may makikita kayong damuhan doon hawiin ninyo lang yun at makikita ninyo na ang daang na pwede ninyong daanan para makalabas sa lugar na 'to. Erika yung sinabi ko." sabi ni Daniel bago kami umalis lumingon ako kay Daniel.
"Plano ang sisira sa isa pang plano yun nama talaga ang gusto mong sabihin kanina hindi ba?" sabi ko tumango siya sakin bakit nga ba hindi kaagad namin na isip yun?
Lumabas na kami sa likod para makapunta sa sinabi ni Daniel na daanan.
Maingat kami sa bawat galaw namin pwedeng nagtatago lang ang mga kalaban ang mga tauhan ni Dugong.
Nakarating naman kami sa likod nang Kapis ng ligtas.
Agad na hinawi ni Erika yung damo may bungad saming isang pinto na gawa din sa kahoy inabot ko muna si Baby Cee sakanya para ako ang maunang lumabas doon baka kase may Zombie doon o tauhan ni Dugong na naghihintay samin.
Nang makalabas ako wala namang Zombie o anuman kaya kinuha ko agad si Baby Cee sumunod si Erika inayos namin ang pinto isinara namin ng mabuti.
Kanina umuulan pero ngayon tumila na ito agos ng tubig ang naririnig ko ngayon mukhang may ilog malapit dito.
"Andrei may pinapapuntahan satin si Daniel mga tao na pwedeng makatulong satin." sabi ni Erika habang lumalakad kami sa gitna ng gubat.
Napatigil kami ng may kaluskos kaming narinig naging alerto kami inilibot namin ang tingin sa paligid isang Zombie lang pala lumapit doon si Erika at pinatay yun nag patuloy na kami sa paglalakad kailangan naming makapunta sa sinasabi ni Daniel bago dumilim.
Kailangan naming mabalikan agad sila Sam nasa panganib sila.
BINABASA MO ANG
WORLD WAR Z (COMPLETED)
Science FictionNoong una sa isang bansa lang may virus hindi pa takot ang iba. Pero hanggang isang araw bigla nalang mabilis 'tong kumalat at na-alarma ang lahat. Bakas sa mukha ng mga tao ang takot na baka mahawa sila at maging ka-isa ng mga 'to. Isa kaba sa maka...