Kat's POV
"Saan mo ba nakita yan?" tanong ni Phil habang sinisipat sipat yung tinulungan kong babae.
"Sa ilog palutang lutang nga ulit ulit ka!" singhal ko kase naman paulit ulit mga tanong nila tas inuulit ulit pa ni Phil imbyerna!
"Anong laman nung bag?" tanong ni Nite kaya napatingin ako doon sa bag na buhat ko kanina.
"Hindi ko alam." sagot ko at kinuha yun para dalin sa labas doon ko titignan.
Lumabas kami para iwan yung babae pinalitan siya ni Helena dahil nga basang basa siya.
Yung iba tinuloy na yung mga ginagawa nila.
Kaming apat nalang nila Phil, Nite at Daniel ang nandito malapit sa van.
"Oh?" bungad ko ng buksan ko ang bag dahil may laman nga yun pero may balot ng plastik.
Inilabas ko isa isa para makita namin.
"Pagkain? Damit? Injection? Pagkain?" sabi ni Phil habang iniisa isa yung laman.
Halata ngang isa isang doktor o kaya nagtatrabaho sa lab.
"Pero bakit siya binaril? Dapat iligtas siya kase doktor siya?" takang tanong ko.
Hindi sila umimik sa tanong ko pero...
"Hindi natin alam! Hintayin nalang natin magising siya para sakanya magtanong!" sabi ni Nite tama siya dapat doon kami magtanong dahil siya lang makakasagot sa mga tanong namin.
Pero kailan siya magigising?
Kung hindi ko siya nakita siguro ay namatay na siya doon.
Puro siya sugat tapos may tama ng baril.
Halatang bago lang ang mga yun.
Kung isa nga siyang doktor o kasapi ng mga tao sa lab siguro naman may mahihita kami sakanya?
3 days later...
"Gising na siya!" halos lahat kami ay napabalikwas sa sigaw ni Helena.
Nako! Ang aga aga pa e! Pero ano daw? Gising na.
"Sino kayo?" sabi nung babae samin at nahihirapang umupo kaya tinulungan ni Helena.
Para siyang krimenal na pinalalibutan ng mga pulis.
"Loko mag si layo nga kayo masyado kayong malapit mamaya magpalit kayo ng mga mukha." sabi ni Daniel kaya nagpulwasan kaming lahat.
Katabi ko ngayon si Nite nakaakbay siya sakin e.
Ang aga ang lande!
"Paano ako nakarating dito? Yung mga taong humabol sakin? Nabaril ako! Sino kayo?" ano siya rapper? sunod sino na tanong?
"Nakita kita sa ilog na palutang lutang tinulungan kita at dinala rito." sabi ko nalang.
Nagpagpakilala kami sakanya para wala ng tanong tanong.
Siya nga pala si Sheena.
"May humabol kamo sayo diba? Pero bakit ka nila hinahabol?" tanong ni Daniel
"Gusto nilang kunin ang lunas mula sakin." sabi niya kaya gulat na gulat kami.
May lunas? As in gamot?
"Isa kabang doktor?" tanong ni Isha na para bang nabubuhayan na dahil mukhang narinig niya na may lunas na.
"Hindi." agad na sagot niya kaya nalungkot kami ulit.
"Pero alam ko na may lunas at na sakin yun." sabi niya at agad na may hinahanap.
Yung bag?
"Eto yung bag mo." sabi ko at inabot sakanya.
"No! Hindi 'to yung bag tang ina nakuha nila!" aligaga niyang binuksan para siguraduhing hindi iyon.
"Masyado silang hangal! Ginusto nilang mangyare sa mundo 'to! Man-made ang sakit! Lumikha sila ng halimaw!" kwento niya.
"Tapos lilikha sila ng gamot para ibenta ng mahal pero huli na kumalat na sa buong mundo! Maraming namatay halos 98% na population ay naging halimaw! Hanggang sa madiskobre ko ang na hindi ka nila makakain kung may sakit ka o maduming dugo ang meron ka."
"At ito yon! Yung gamot na kinuha nila sakin yun nalang ang huling pag asa mga hangal ang kaluluwang ng mga yon! Mga sakim sila sarili lang nila ang iniisip nila."
"Kailangan mabawi ko yun at madala yun sa laboratoryo makagawa ng mas marami para sa lahat ng buhay."
Umiiyak siya habang kinukwento ang mga yun.
"Anong ibig mong sakin na pag may sakit at kung maduming dugo ay hindi kakainin ng nga halimaw?" tanong ni Nite.
"Dahil takot ang virus sa kapwa nito virus hindi nila nakikita pero naamoy nila. Sa oras na may sakit ka sila ang lalayo sayo. Sila ang didistansya palayo sayo."
-------
Inedit ko iteys! Sa mga nakabasa ng na una basahin ninyo ulit balak ko sana hanggang chapter 50 lang hahaha.
BINABASA MO ANG
WORLD WAR Z (COMPLETED)
Science FictionNoong una sa isang bansa lang may virus hindi pa takot ang iba. Pero hanggang isang araw bigla nalang mabilis 'tong kumalat at na-alarma ang lahat. Bakas sa mukha ng mga tao ang takot na baka mahawa sila at maging ka-isa ng mga 'to. Isa kaba sa maka...