WWZ Chapter 34

565 66 0
                                    

Isha's POV

Kanina pa kami nag aalala sakanila ilang oras na mula ng umalis dito sila Arjay para iligtas sila Daniel.

Kanina pa rin kami nakakarinig ng pagsabog at putukan ng baril.

"Nakatulog na si Baby Cee ano na kayang nangyayare ngayon kila Andrei." nag aalalang sambit ni Erika parehas kaming sumilip sa labas dumidilim na ang kalangitan mukhang may bagyong paparating.

Umupo muna kami ni Erika sa sofa habang nag hihintay nakapag impake na rin kami ng mga gamit na pinapaimpake ni Daniel.

"Wala sanang masamang nangyare sa kung kanino man." bulong ni Erika tinapik ko naman siya sa balikat at nginitian "Sana nga." bulong ko at sumilip ulit sa bintana.

"May paparating sila na ata yun Erika." mabilis ko saad at binukasan ang pinto upang salubungin sila tama nga ako sila Daniel nga iyon. Agad na niyakap ni Erika sa Andrei "Na-nasaan sila Gio at Sam? Hindi ninyo ba sila kasama? Nakatakas ba sila?" tanong ni Erika pero umiling lang si Andrei nakita kong niyakap ni Andrei ng mahigpit si Erika dahil umiyak na 'to.

"Pumasok na tayo delikado na nasa labas tayo." sabi ni Daniel pumasok naman agad kami.

Walang gustong magsalita samin lahat sila tahimik. Nilapitan ko si Arjay katabi niya sila Marky at Phil.

"Anong nangyare Arjay bakit namatay si Sam." malungkot na tanong ko. "Pinatay siya ni Dugong Isha wala man lang kaming nagawa basta binaril nalang siya agad." lahatang nasasaktan si Arjay dahil mula pagkabata ay magkakasama na kami nila Sam tapos ngayon namatay ito sa mismong harapan nila siguro kung ako ang nakakita nun baka hanggang ngayon tulala ako.

Dumaan si Kat sa harapan namin nakita ko yung pulsuhan niya may sugat na para bang itinali ng mahigpit at pilit tinanggal.

"Kat." tawag ko sakanya "Bakit?" tanong niya nung lumingon siya sakin. "May benda doon sa kwarto halika lagyan natin yang sugat mo sa pulsuhan." sabi ko tumango lang siya at pumunta doon sa kwarto. Bago ako sumunod kay Kat nakita kong nag uusap usap na yung mga lalaki kaya iniwan na muna namin sila.

Pagpasok ko sa kwarto nandoon sila Erika at Mleen natutulog katabi ni Baby Cee sa kabilang kama naman nandoon si Helena natutulog din dahil kailangan niya talaga ng pahinga.

Kinuha ko ang first aid at lumapit kay Kat na naka upo sa paanan nila Erika at Mleen.

Sinimulan ko na siyang gamutin.

Nung una hindi umiimik si Kat pero maya maya naririnig ko na siyang humihikbi nilagyan ko na siya ng benda pero patulog pa rin siya sapag hikbi.

"Namimiss ko na si Sam at Gio." sabi niya habang patuloy na humihikbi niyakap ko naman agad siya kami din Kat namimiss namin sila lalo na si Sam hindi ko manlang siya nakita bago namatay.

"Ssssh. Kat magpahinga kana tama na. Okay matulog kana." sabi ko nalang sakanya.

Tumabi naman siya kay Helena para matulog umiiyak pa rin siya hanggang sa makatulog na siya lumabas na ako naabutan kong nag uusap pa rin sila Daniel at yung iba pa.

"Nasaan sila?" tanong ni Phil.

"Natutulog na sila doon sa kwarto. Umiiyak si Kat kanina habang ginagamot ko yung sugat niya pero nakatulog naman na." sabi ko na nakatingin kay Nite tinapik naman nung Lim yung balikat ni Nite.

"Anong plano natin? Hindi pwedeng magtagal tayo dito." sabi ko sakanila. "May plano na si Daniel." sambit ni Marky kaya tumingin ako kay Daniel.

"Bukas bago hahanap muna kami ng masasakyan natin sasama ko sila Arjay, Nite, Phil at si Marky itong silang Andrei at Lim dito lang para mag bantay sainyo." tumango tango naman ako.

Pagtapos ng usapang yun binalot nanaman ng katahimikan ang paligid namin.

Tumingin ako sa pintuan ng kwarto sana okay na si Kat bukas.

"Magiging okay din ang lahat Isha." bulong ni Arjay sabay hawak sa kamay ko ngumiti nalang ako sakanya.

Sana nga Arjay sana maging okay din ang lahat.

WORLD WAR Z (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon