Chapter 2

2K 40 1
                                    

RAIN'S POV

Umuwi na ako magisa at hindi na inantay sila Maya.

My first kiss is gone, and its all because of a damn dare.

Mga ilang minuto na din ang nakakalipas, pero nalalasahan ko pa rin yung beer at lemon sa labi ko. Nararamdaman ko pa rin ang mga labi nya, at kung paano nya kinagat ang lower lip ko, at kung paano lumabas yung ganong tunog sa lalamunan ko. At parang dahil dun parang mas lalo pa syang naexcite.

Ng makarating na ako sa hotel, nagtungo kaagad ako sa banyo at nag shower. Pagkatapos ay nagpalit ako ng sweat pants at hoodie at naupo lang ako malapit sa may window, iniisip yung nangyari kanina.

"Winner!" Sigaw ni Maya, pagpasok na pagpasok pa lang ng pinto. Lasing na ata.

Pumasok si Maya kasama si Trish at Karen na dumaretso kaagad kung saan ako nakaupo. Tinitigan nila ako na panay taas baba ng kilay nila.

"Girl that kiss." Sabi ni Karen. Tumayo ako at hindi sila pinansin.

"Wanna know his name?" Tanong ni Maya.

"No. Sabi ko kase sayo palitan mo ang dare eh." Sisi ko kay Maya.

"You should thank me, kung hindi dahil sa akin edi virgin pa din yang labi mo." Binato ko sya ng unan na galing sa may sofa. Sinalo nya ito. "And beside, it's not like magkikita pa uli kayo no. I mean we're leaving in a few days. And remember, what happen in Vegas stay in Vegas."

Iniripan ko sya.

After namin magkwentuhan, at after nila akong asar-asarin ay nakatulog na rin silang tatlo. Ako naman nakatitig pa din sa kisame, iniisip yung nangyari sa bar kanina. Tama naman si Maya, uuwi na kame ng Pinas in a few days. Malaki ang mundo para magkita pa uli kame.

Tama, ipinikit ko ang mga mata ko pero muli itong bumakas habang nakahawak ang kamay ko sa labi ko.

I replay the scene in my head over and over again, until I finally fall asleep.

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, TO FOLLOW, AND TO COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Dare: Kiss a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon