Luke's POV
Papasok na sana uli ako sa resto ng makita kong naguusap at nagtatawanan si Harry at si Rain. Nakaramdam ako ng inis.
Inis? Sa pinsan ko? Impossible si Harry ang pinka-close kong pinsa, para ngang sya ang nawawala kong kapatid.
Inalis ko sa isip ko ang inis na naramdaman ko at pumasok na uli sa resto. Ng humarap si Rain ay naglaho ang ngiti nya at tila namula ang pisngi nya.
Ngumiti ako sa kanya, at mahiyang binigyan nya din ako ng ngiti. Pagkatapos ay kinuha nya ang basahan at nagtungo na sa kusina.
Lumapit sa akin si Harry. "So you and Rain?" Alam nyang never akong magtatago sa kanya, at ganun din sya. We trust each other, we tell secrets to each other.
"Manliligaw pa lang." Sabi ko. "Do you remember that girl I told you that kissed me at the bar, that was Rain."
"She did that?" Gulat na tanong sa akin ni Harry.
Tumango na lang ako. "Why do you look surprise?" Tanong ko
"Never ko kase inexpect na gagawin nya yun." Tiningnan ko kung saan pumasok si Rain, pagkatapos ay bumalik ang tingin ko sa muka ni Harry, parang may halong selos ang expression nya. "Anyway welcome back cuz." Tinapik nya ang likod.
Bumalik si Harry sa office ako naman ay nagtungo kung saan pumasok si Rain, siguro kusina ito. Nakakagutom kase ang amoy eh, ng makapasok ako nakita ko kaagad si Rain na nakikipagusap sa isang babae na nakasuot ng chef attire. Tumatawa sya at hindi ko magawang hindi sya titigan, unti-unti rin akong napapangiti habang patuloy ko syang pinapanood.
"Sir, may kailangan po kayo?" May biglang nagsalita sa tabi ko.
"Huh...uh wala naman. Thanks anyway." Sabi ko.
Tiningna ko uli si Rain na nakatingin na sa akin, nawala ang kausap nya at ng bumalik ito ay may dala itong isang plato ng pasta. Ngumiti si Rain sa kanya at kinuha ang plato. Lumapit sa akin si Rain.
"Oh." Inabot nya ang plato sa akin. Tinaasan ko sya ng isang kilay. "Hindi ka ba nagugutom?" Kinuha ko ang plato na may ngisi sa labi ko.
"Saluhan mo ako," hindi ko na sya inantay sumagot pa, habang hawak ang plato sa isang kamay ay hawak ko rin ang kamay nya at hinihila sya palabas ng kusina.
Umupo kame sa isa sa mga empty table, kumain ako at sya naman tahimik lang. Tiningnan ko sya habang nasubo ng pasta.
Nagtwirl ako ng pasta sa tinidor ko at nilapit ko sa kanya. Hindi sya kumibo at tiningnan lang ako. "Nangangawit na ako Rain."
Dali dali nya sinubo ang pasta, pagkatapos ay tumingin sya sa paligid. Natawa ako ng mahina, ang cute nya.
BINABASA MO ANG
Dare: Kiss a Stranger
Storie d'amoreI kissed him In front of all those people. I kissed him all because of a dare.