Chapter 22

1.1K 22 0
                                        

Rain's POV

"Eto na pala si balikbayan eh!" Pangaasar ng mga katrabaho ko. "Chocolate namin?"

Pinatong ko isang malaking bag ng chocolate sa mesa. "Oh eto maghati hati kayong lahat." Sabi ko.

"Welcome back Rain." Sabi ng boss ko na may ngiti sa muka nya.

Nagtatrabaho kasi ako sa isang resto as a waitress. Ok lang ang sweldo di gaanong kalaki di din gaanong ka liit. "Oh eto para sayo." Inabot ko sa kanya ang isang bar ng chocolate.

"Uyyy bakit si Sir iba ang chocolate?" May halong pangaasar na tanong ng iba katrabaho ko. Ngumiti si Sir at namula ang mga pisngi nito

"Thank you." Sabi nya.

"Wag nga kayo, syempre si Sir yan, saka beside na pagiging Sir eh kaibigan ko din si Sir. Diba sir?" Sabi ko. Biglang nagbago ang expression nito at nawala ang ngiti nya.

"Oo nga naman, kayo talaga." Sabi ni Sir. "Salamat uli Rain. Kamusta naman ang bakasyon mo? Anything interesting happen?" Tanong nya.

Naalala ko bigla so Luke, yung labi nya...

Natawa na lang ako. "Wala naman masyado Sir."

Tumingin sa paligid si Sir. "Diba sabi ko sayo, pag tayo lang dalawa Harry na lang."

Ngumiti ako. "Oo nga pala, sorry naman."

"Oo nga pala, yung pinsan ko dadating galing ibang bansa, yung may ari nitong resto. Gusto ko lang ipaalam sa inyo kaya after ng shift nyo yung gusto mag stay para maglinis sabihin lang sa akin. Don't worry I'll pay you. I just really need this place to be clean when he comes." Sabi sa amin ni Harry.

Extra work plus extra money, ok na din kesa naman sa wala. Back to reality na kase, kaya kailangan ko din ipunin uli yung mga nagastos ko sa Vegas, halos ubos ang ipon ko.

"Eh Sir," Sabi ng isang katrabaho ko. "Babae o lalake po ba yang pinsan nyo?"

"Lalake." Sabi ni Harry.

Eto ang pinakamaganda sa amin, lahat kame nagkakasundo at lahat kame ang turing sa isa't isa ay pamilya. Si Sir naman parang kaibigan lang namin, hindi sya strict o magpagmataas sa sarili nya, para ngang hindi sya ang manager namin dito, kase lagi sya nakiki-hang out sa amin pag may galaan.

"Ay Sir kasing pogi nyo rin po ba?" Tanong naman ng isang babaeng katrabaho ko.

Ngumiti si sir. "Aba ay oo naman, lahi kaya kami ng mga mapopogi."

Nagtawanan kaming lahat. "Ano pangalan nya sir?"

"Luke." Mabilis nabaling ang tingin ko kay Harry. Tama ba ang narinig ko, Luke ang pangalan ng pinsan ni Harry na may ari din ng resto na ito? Hindi naman sya siguro yun, marami namang Luke sa mundo, hindi lang sya. Huminga ako ng malalim at inalis si Luke sa isip ko, hindi sya yun. I'm sure of it.

Dare: Kiss a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon