Chapter 5

1.7K 33 0
                                    

RAIN'S POV

Busy sa pag-aayos ang tatlo kong kaibigan dahil lalabas kame ngayon para mag-dinner at mag-gala gala pa dahil may isang linggo na lang kame dito sa Vegas.

"Dito tayo! Sabi ng tita ko pinoy ang owner nito at masasrap ang food." Sabi ni Karen.

"Mura ba?" Tanong ni Maya. Sa sobrang daming nyang binili na kung ano ano, paubos na ang pera nya.

"Sabi ni tita oo daw, dito na lang tayo." Pilit ni Karen at pumayag na din si Maya.

Ng pumasok kame sa loob ay sobrang simple lang tingnan. Pero mukang pangsosyal ang aura nya.

"How many?" Tanong nung magandang babaeng may ombré gray ang buhok.

"Four." Sagot ni Trish.

"Ok just a minute." Kumuha sya ng menu sa ilalim ng desk nya at tumingin sa likod nya. "Ok follow him please." Ibinigay sa isang waiter ang menu at sinundan namin sya sa isang table na may apat ng silya.

We took our seats and look at the menu.

"....the youngest entrepreneur of all times, that's why I took you here, maybe you'll meet him." Sabi ng isang middle age woman sa isang dalagang kasama nya.

"I heard he's half American." Sabi nung batang babae.

Sumubo yung middle age woman habang tumatango-tango ito.

"Ma'am?"

"Rain."

"What?" Sabi ko.

"Ano daw order mo?" Tanong ni Maya.

"Ano order mo?" Tanong ko.

"Grilled chicken with lemon sauce with fries and steamed broccoli."

Sinarado ko ang menu. "I'll get the same thing as her." Sabi ko. Tumango ang waiter at kinuha na ang menu namin.

"That's him baby." Narinig ko uli yung babae. Sinundan ko kung saan nakatingin yung mag-ina.

Nag-duck biglang ang ulo ko sa ilalim ng mesa ng makita ko kung sino yung tinuturo ng mag-ina.

"Ano problema mo?" Sabi ni Maya ng tiningnan nya ako.

Nag-motion ang ulo kung saan yung entrance patungo sa kitchen.

"O. M. G." Sabi ni Maya na nanlake ang mata. "Sya yung..."

Tumango ako habang nagtatago pa din sa ilalim ng mesa.

"That's the guy you kissed last night. Omg he looks so hot, now that we can see him properly." Sabi ni Karen.

"Kaya nga waging wagi si inday." Sabi ni Maya.

"Tumahimik nga kayo, mamaya marinig kayo nyan pumunta pa dito." Sabi ko na may halong inis na sa tono ko.

"What a great idea Rain." Pangiinis na ngiti ni Karen. Tiningnan ko sya ng patanong. Tumayo si Karen at nagtungo kung nasaan si Luke. Nanlake ang mata ko at pinilit kong tumayo pero hinawakan ni Trish at Maya ang magkabila kong kamay.

I can't let him see me, I mean we just saw each other a while ago. He might think that I'm following him. This is maddening, my friends are jerks with no conscience whatsoever, they're going to make me make a fool of myself.

Pinanood ko si Karen at nakita kong tumingin sa direction namin si Luke. This is insane. Tatayo na sana uli ako pero mahigpit akong hinahawakan nila Maya.

"I will kill the three of you, I swear." Sabi ko habang tinitingnan ko silang dalawa ng masama.

"Wag ka nga, para din sayo to no." Sabi ni Trish.

Tiningnan ko si Karen at si Luke at nagmeet ang mata naming dalawa. Ngumiti nanaman sya ng signature smile nya at nagwala ang puso ko.

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, TO FOLLOW, AND TO COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Dare: Kiss a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon