Chapter 24

1.1K 25 0
                                    

Rain's POV

Bakit hindi ko pa din matanggal ang sinabi ni Harry kanina, sya kaya yun? Masyado namang coincedence yun kung sya nga yun. Pero hindi ko pa din matanggal sa isip ko na baka nga sya yun, na baka may posibilidad na sinundan nya ako sa pinas. Na baka sakaling may feelings din sya sa akin. Na baka....

"Oy miss." Sabi nung katabi ko sa jeep. Tiningnan ko sya, at nakatingin sya sa akin na para akong baliw. "Makikiabot naman sa unahan to." Bad trip naman to si ate girl, nagde-daydream pa ako.

Huminga na lang ako ng malalim at kinuha ang pera sa kanya at pinaabot sa unahan ko. Ng malapit na ang babaan ko ay nag-para na ako, dahil pwede ko namang lakadin yung trabaho ko sasaglit lang naman eh, saka maaga pa naman ako.

Ng pumasok ako sa loob ng resto ay bumungad kaagad sa akin ang ka-workers ko na naglilinis ng sahig, at nagpupunas ng lamesa, at mga nagbaba ng upuan. Pero napansin ko din na panay ang tingin nila sa office ni Harry. Ano kaya ang meron?

Bago ako maki-tsismis pumasok muna ako sa loob ng locker room namin para magpalit ng uniform at ilagay din ang mga gamit ko. Paglabas ko pa lang ay tinawag kaagad ako ng chef para ilabas ang mga baso.

"Kaya mo ba?" Tanong nito.

"Oo naman, ako pa." Sabi ko pa, tapos ay nagtawanan kame.

Wala akong makita sa harap ko, bahala na nga saulo ko naman ang nilalakaran ko.

Ok may lamesa sa harap, tapos lalagpasan ko ang office ni sir, tapos...

"I know where to find her, gusto ko lang...hmp." Aray ko, nako maigi na lang hindi babasagin tong mga baso.

"Nako pasensya na po," sabi ko habang kinukuha ang mga baso. "Hindi ko po kase makita eh." Pagpapaliwanag ko. "Pasensya na po talaga."

"Stand up." Napatigil ako sa pagpupulot at tumayo habang naka yuko ang ulo. Ayoko ngang tingnan, baka mamaya mas lalo pa akong pagalitan. "Look at me." Sabi nya. Hindi ko sya sinunod. Ayoko nga. Ayoko talaga. "Did you not hear me? I said look at me." Sabi nya uli.

Halos natahimik ang lahat, ang tangi ko lang naririnig ay ang sikmura ko at ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok dahil sa sobrang kaba.

"Cuz." Narinig kong umimik si Harry.

"Look at me." Inulit nya uli, at this time may halong warning ang tono ng boses nya. Dahan-dahan ko inangat ang ulo ko, hangang unti-unti na din nanlake ang mata ko at mas lalo pang lumakas ang tibok ng puso ko.

Napaatras ako at hindi nakita ang baso sa likod ko, kaya naapakan ko ito at muntik na sanang matumba uli.

Habang hawak hawak ang bewang ko napatingin uli ako sa muka nya, nagiinit ang buo kong muka. Sya nga. Nandito nga sya.

Nandito si Luke sa pinas at kaharap ko sya ngayon.

Dare: Kiss a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon