RAIN'S POV
Nagpadeliver ng food si Luke sa condo nya at parehas kaming tahimik na kumakain. 'Ni hindi ko nga sya matingnan sa mata dahil sa pagyakap-yakap na ginawa ko kanina. Pero sya, panay ang titig nya sa akin, para bang inaabangan nya kung iiyak nanaman ba ako.
"A-ano nga pala ginagawa mo d-dun kagabe?" Tanong ko.
Hindi muna sya sumagot at tinitigan lang ako.
"Sinundan kita." Ang tanging sabi nya.
Napatingin ako sa mata nya. "B-bakit?"
"Dahil alam kong hindi yun ang daan pabalik sa hotel nyo." Paliwanag nya.
"Wait, kung saan ako nagturn?" Tumango sya at uminom ng tubig. "What do you mean?"
"I heard you scream." Sabi nya lang. Nung hindi ako sumagot at tinitigan lang nya ako, na para bang pinapanood nya ang bawat kilos ko. "That alley was bad news." Pagdagdag nya.
Hindi ako nakasagot at napayuko na lang. Tanga tanga mo talaga Rain, hindi ka nagpe-pay attention, muntik ka tuloy mapahamak.
Tinitigan nya lang ako na parang ewan. "I'm sorry Rain." Tumango na lang ako.
Hindi ko to damit ah. "Ikaw ba ang nagpalit ng damit ko?"
He smirks at me, pagkatapos ay tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa. "Hmm."
"Luke." Sabi ko habang humihigpit ang hawak ko sa baso. "Did you change my clothes?"
"What would you like to hear, the truth or the lie?" Sabi nya. Parang hindi na maganda ang nararamdaman ko sa mga pinagsasabi nya ah.
"Luke" Sabi ko uli.
"I have no choice, your clothes are all ripped. And beside I like what I saw." Sabi nya habang may ngisi sa labi nya.
Nanlake ang mata ko at napahawak ako sa dibdib ko. "You!"
Wala na akong pake kung niligtas nya ako, isa pang nonsense ang lumabas sa bibig nya babatuhin ko sya na baso.
Natatawa syang lumapit sa akin at mas lalo ko pang sinamaan ang tingin sa kanya. Ano kaya sa tinging ng lalakeng ito ang nakakatawa? Inis na isip ko. OMG nakita nya. Nakita nya. Nakakainis.
"Spend a day with me." Sabi nya.
Natawa ako at tinitigan ang muka nya. Nagbibiro ba sya?
"No." Sabi ko habang nanlilisik ang mata'ng nakatitig sa kanya.
"Edi hindi ka makakauwi." Sabi nya, habang naka-cross ang arms nya sa may dibdib nya. Hindi ko sya pinansin. "Please, promise hindi na kita huhubaran ng walang permiso. I promise I'll be a good boy." Nag-wink sya sa akin.
Hinarap ko sya na may inis sa mga mata ko. "Bakit ba ako? Ano ba nakikita mo sa akin?"
Matagal nya akong tinitigan. "To be honest with you, I don't know what I saw in you."
"It doesn't make sense." Sabi ko ng mahina.
"I know it doesn't. You're not even my type." At hinawakan nya ang magkabila kong braso. Tiningnan ko sya habang iniisip na sinasakal sya. "So is that a yes then?"
Tinaasan ko sya ng isang kilay. "May choice pa ba ako."
BINABASA MO ANG
Dare: Kiss a Stranger
RomanceI kissed him In front of all those people. I kissed him all because of a dare.