Chapter 23

1.1K 28 1
                                    

Luke's POV

Kumulo ang tiyan ko ng makababa ako ng eroplano. Nakatulugan ko kase nung nagbibigay na ng pag kain, hindi tuloy ako nakapaghapunan.

Ng bumukas ang pinto palabas ng airport ay bumungad agad sa akin ang mainit na hangin ng Pilipinas. I've only been here a couple of times pero sobrang init pa rin talaga ng pinas.

Napansin ko kaagad ang isang lalake na kaway ng kaway, ng makalapit na ako ng kaunti ay nakita ko na si Harry pala yun, ang laki na ng pinagbago nya. Talagang mukang mature na sya.

Kumaway din ako kay Harry at ng makalapit na ako ay niyapos ko kaagad sya. "Look at you!" Sabi ko. "Mas lalo kang pumogi." Pabirong sabi ko.

"Ikaw din, nice tattoo!" Sabi naman nya habang nakatingin sa may leeg ko. "Let's go, nagaantay na sila lola." Kinuha nya yung box at nilagay sa likod ng kotse nya. "How's the flight?"

"Nakakapagod grabe, ang sakit sa likod at pwet." Tumawa si Harry.

"May accent ka pa din," Tawang tawa nyang sabi.

"How is the business here?" Tanong ko naman.

"It's good, super sikat sya sa mga kabataan. Do you want to meet the employee tomorrow?" Tanong nya.

"Hindi na muna, may kailangan lang ako asikasuhin and then I'll visit the restaurant." Sagot ko sa kanya.

"Oh right hahanapin mo nga pala that girl you met in Vegas." Sabi ni Harry habang nagte-turn right. Wala pang ilang minuto na nagturn right sya ay saka din sya nagpark sa tapot ng isang bahay na mukang sinauna pa. "We're here. Are you hungry?" Tanong nya habang parehas kaming pumunta sa trunks ng car.

"Yup." Sagot ko lang habang kinukuha ko yung maleta ko at mga bag ko.

Saan ko kaya sya unang hahanapin? San kaya sya nakatira? Siguro umpisahan ko muna sa mga college, as far as I know she's a working student. "Cuz san ba ang malapit ang college dito?" Tiningnan nya ako ng patanong. "What?"

"Bakasyon kaya ngayon, walang pasok." Crap. So saan ako nito maguumpisa. "Is this about that girl?" I nod as he opens the gate. "Well why don't you start looking her up in facebook first. Paminsan kase nilalagay ng mga tao kung taga saan sila, or where they work, or what school they go to. You know?" Tiningnan ko lang ang pinsan ko na mukang mas matalino pa sa akin.

Oo nga naman, bakit hindi ko naisip yun? Easiest way to find her is through media.

Ng makapasok na ako sa loob ng bahay, ay niyakap ko kaagad si lola. Pagkatapos ay nakipagkwentuhan sa iba kong pamilya ng saglit. Ng sumapit ng 2 am ay nagsipasok na sila sa mga kwarto nila para matulog. Ako naman ay gising na gising pa dahil nagsesearch pa ako sa facebook.

Nilagay ko ang pangalan ni Rain at marami ang lumabas. Paano ko nga ba malalaman kung sino sya dito? Ng malapit na ako mag-give up ay napansin ko ang isang profile picture na ang background ay ang Red Rock Canyon ng Vegas. I click it so fast, at ng makita ko na ng maayos ang picture ay si Rain nga. Eto yung picture na kinunan ko nung dinala ko sya duon.

I click the 'About' sa ilalim ng picture nya kaso biglang tumigil at lumabas lang yung paikot ikot. Tiningnan ko ang Wi-fi ko at nawala ito. Bad trip naman, tomorrow I will talk to Harry about the damn wi-fi.

Dare: Kiss a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon