Chapter 21

1.1K 24 0
                                    

Rain's POV

"Ano wala ka man lang nabingwit duon?" Tanong ng mama kong tsismosa.

"Ano ba yang mga tanong mo ma, para kang ewan." Sabi ko habang naga-unpack ako ng mga gamit

"Aba anong masama sa tanong ko, nagpunta ka sa ibang bansa ng ilang araw wala ka man lang nabingwit." Tanong nya habang kumakain ng chocolate na dala ko.

Iniripan ko si mama ng patago at tumayo na para mailagay ang mga damit ko sa cabinet. "Ma nagpunta ako dun para bisitahin si Karen, saka kung hindi dahil sa kanila hindi naman ako makakapunta duon."

"Eh yun na nga, nandun ka na hindi ka pa naghanap." Kinamot ko ang ulo ko sa inis.

"Ah ewan ko sayo ma, aalis na ako. Baka ma late pa ako sa trabaho ko." Sabi ko habang dala dala ko ang towel para maligo.

"Eh kailan ka ba kase magkakajowa? Halos lahat na ng babaeng kasing edad mo dito sa baranggay natin nagkajowa na, yung iba may asawa at anak na kahit hindi pa kasal." Sabi nya habang nakasunod sa akin.

Hindi ko na sya hinarap pa. "Pake ko sa kanila." Sagot ko na lang habang sinara ko ang pinto.

Sumandal ako sa may pinto at napabuntong ng hininga. Kamusta na kaya si Luke? Sana ok lang sya. Nabasa nya kaya yung sulat ko?

Shit namimiss ko sya, namimiss ko yung ngiti nya. Hindi ko na namalayan na abot tenga na ang ngiti ko, pero nawala din ito ng maalala ko na hindi ko na sya makikita pang muli. Na kahit kailan ay hindi na magtatagpo ang landas namin. Nasa kabilang dako sya ng mundo at nandito naman ako sa kabila. Pero kung sakaling...hindi ko na tinapos ang iniisip ko at naligo na lang.

Ng matapos akong maligo ay dumaretso kaagad ako sa kusina kung saan ay nakahanda na ang almusal. "Oh papasok ka na?" Tanong ni papa.

"Opo Pa, matagal din ako nawala eh." Sabi ko naman. Gumawa ako ng kape ko at umupo sa tabi ni papa.

"Kakauwi mo pa lang, baka pwede naman magpahinga ka muna." Umiling ako habang sunod sunod ang subo ng kanin.

"Hindi na pwede Pa eh, baka mawalan na ako ng trabaho." Sabi ko. Ng matapos ako ay nilinis ko ang kinainan ko at humalik sa pisngi ni papa. "Aalis na ako Pa. Love you!" At nagtungo na ako sa sakayan ng jeep.

Dare: Kiss a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon