Rain's POV
"Welc-" Napatigil ako sa pag-greet ng makita ko kung sino ang pumasok sa restaurant. Bakit kaya nandito tong babaeng to? Ngumiti uli ako at nag-greet sa kanya. "Welcome!"
"For two, cousin." Sabi nya sa akin. "I have a date, not like you would know about it."
"Right, so table for two then?" Dinala ko sya sa may malapit sa window.
"Ayoko dito, masyadong mainit." Pinilit ko uli ngumiti at dinala sya sa ibang table, malayo sa may window. "Nope masyadong malapit sa basurahan." Huminga ako ng malalim at dinala sya sa may gitna, na malayo sa may window at malayo sa basurahan. Pag ito nagreklamo ilalagay ko sya sa basurahn mismo. "Ayoko dito."
Inantay kong ipaliwanag nya kung bakit pero wala na ito dinagdag pa. Kinimkim ko ang inis sa loob ko, kase pag inilabas ko baka mawalan ako ng trabaho. So inilipat ko uli sya and guess what, ayaw parin ni bruha ang table na pinili ko sa kanya.
Ng naka pitong lipat na kame, saka na ako nainis at nilapag ko ang menu nila na may kasamang balibag sa table.
"Ano bang problema mo? Ano tayo naglalaro ng musical chair? Kung ayaw mo umupo sa kahit na ano dito edi kumain ka ng nakatayo!" Sigaw ko.
"Is this acceptable here, na naninigaw ng customer. I want to talk to your manager, or boss." Sabi nito na may nakakalokong ngiti sa labi nya.
"Hindi lang ako server mo, pinsan mo din ako. Kaya umayos ka Gem." Sabi ko.
"Don't you dare talk to me that way!" Sigaw din nya.
"What's going on?" Biglang labas nila Harry at Luke.
Shit.
"Etong nagmamagaling nyong employee akala mo kung sino maka-asta. I want her fired." Sabi nito.
Tiningnan ako ni Harry pagkatapos ay tumingin ito kay Luke, at tumingin din ako kay Luke na nakatitig lang sa akin.
"I can't fire her," sabi ni Luke.
Mabilis syang tiningnan ni Gem. "What!? Why!? I'm a customer."
"Yes you're a customer, but I own the restaurant. Kung hindi ka kakain, you may leave naabala mo ang work nila at ang ibang customer." Sabi ni Luke. "And you?" Sabi nya sa akin. "We need to talk."
Naglakad sya patungo sa office at sinundan ko sya na may halong kaba at inis sa loob ko.
"Close the door behind you." Sabi nito, ng makapasok na kame sa loob. Umupo sya sa lamesa nya at tumayo lang ako sa harap nya, tapos nakakadistract pa yung tatoo nya sa leeg. "Are you ok? I would hug you, but you might hit me." Ngumiti sya at hindi ako nagsalita. "What happen beteween you and your cousin?"
"Inagaw nya ang ex ko." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Dare: Kiss a Stranger
RomanceI kissed him In front of all those people. I kissed him all because of a dare.