Rain's POv
Friday morning nagdecide ako pumasok ng maaga, nandun ang manager namin at si...Luke? Ano ginagawa nyan dito ng ganto kaaga?
"Ang aga mo naman," sabi nya habang may inaabot na papeles kay manager. Lumapit sya sa akin. "You want to eat breakfast?" Hindi na nya ako inantay sumagot at hinila na palabas. Ano pa ang silbi ng pagtatanong nya kung hindi nya rin naman ako pasasagutin. Namimihasa tong lalake na to na basta-basta akong hinihila ng hindi man lang inaantay ang sagot ko. Well kasalanan ko din naman dahil wala din naman akong sinasabe, pero last na talaga to.
Hinayaan ko syang kaladkarin ako sa Jollibee at umorder sya ng food nya at umorder din ako ng akin, pero sya ang nagbayad. Kumain kame ng tahimik at sa sobrang focus ko sa pagkain hindi ko namalayan na nakatitig sya sa akin na may ngiti ang labi nya.
"Bakit?" Tanong ko habang nilulunok ang natitirang pagkain sa bibig ko.
"Ano ka ba, bata?" May kinuha sya sa may tabi ng labi ko at sabay subo. Nanlake ang mga mata ko.
"A-ano sinubo mo?" Sabi ko habang hawak-hawak yung gilid ng labi ko.
"May kanin ka kase sa may labi." Pinunasan ko ang buong muka ko, just to make sure na wala ng kanin na naliligaw.
"Sana sinabi mo na lang sa akin." Reklamo ko.
Tumawa sya. "And waste that perfectly romantic way to tease you?"
"Tease me?" Tumigil sya sa katatawa at ngumisi lang sa akin.
"You look cute when I tease you, lalo na pag namumula yung mga pisngi mo." Pinisil nya ang pisngi ko.
Hinawi ko naman ito, pero sinalo nya agad ang kamay ko at nilapit ito sa bibig nya. Pagkatapos ay hinalikan nya ito, babawiin ko na sana pero hindi nya ito binibitawan. Napabuntong hininga sya.
"When will you be mine Rain? I can wait for you, I can wait for you forever. Pero may time na gusto kitang lambingin, gusto kitang yakapin at halikan pero hindi ko magawa kase hindi pa tayo. I respect you and your space kaya hindi ko ginagawa, pero kung gugustuhin ko talaga gagawin ko na." Sabi nya at binitiwan na nya ang kamay ko. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya, hindi ko alam kung ano nga ba ang gagawin ko.
Tumayo sya at kinuha ang pinagkainan namin, tumayo na din ako at tinulungan sya. Ng nasa may basurahan na kame at habang tinatapon nya yung mga napagkainan namin ay tumikdi ako at hinalikan sya sa pisngi. Tumingin sya sa akin ng mabilis at bigla akong kinabahan.
"A-ano kase, that's my way of saying thank you. Kase nirerespeto mo ang gusto ko, and that you're willing to wait. Thank you." Ngumiti ako at tila nawala ang kaba sa puso ko kaya naman hinawakan ko ang kamay nya at nanatili lang kaming ganon.
BINABASA MO ANG
Dare: Kiss a Stranger
RomanceI kissed him In front of all those people. I kissed him all because of a dare.