Luke's POV
Crap late na ako! Nauna pa si Harry pumunta, si lola kase eh.
Nagmadali akong pumunta sa address na binigay sa akin ni Rain, at dahil sa sobrang bilis ko ay halos ilang beses ako muntik maaksidente. Maigi na lang din sanay ako sa mga gantong drive, lalo na at hiram lang tong car na minamaneho ko.
Damn red light!
I don't want her to get dissapointed just because I'm late, especially on her mom's birthday.
Habang nagaabang ako mag-turn ang light from red to green ay napalingon ako sa may left window ko at nakita ko si Rain at isang babae na may hawak ng mga plastics at isang malaking box. Patingin-tingin sila sa kaliwa at kanan, na para bang nagaabang ng masasakyanan or siguguro tatawid. Tumingin ako sa likod ko, damn ang dami ng kotse, paano ko kaya ito ite-turn papalapit sa kanila. Ng nag-green na ay dumaretso na lang ako at naghanap ng pwedeng mag u-turn.
Ng makita ko na ay dali-dali akong nagturn at bumalik kung saan ko sila nakita, kaso ng bumalik ako ay wala na sila.
Napabuntong hininga ako at bumalik na sa traffic ng kalsada at dumaretso na uli papunta sa bahay ni Rain, naamoy ko na nga ang mga pagkain at natatanaw ko na din ang isang puting tent. Nilapit ko pa ang kotse ko at nagpark malapit din sa may tent, nararamdaman ko ang tingin ng mga tao sa labas ng kotse ko, at sinusubukan din nilang makita ako from outside of my car.
Pinatay ko ang makina at kinuha ang gift sa likod ko, tumingin muna ako sa salamin at inayos ng konti ang buhok ko. Tiningnan ko ang nangyayari sa tent, may mga kumakain na, nagtatawanan at ang iba ay nagiinuman na. Nakikita ko si Harry at ang iba pang mga workers ko na nakaupo sa isang malaking table at nagkukwentuhan.
Asan kaya si Rain?
Bumaba na ako at naglakad na patungo sa may tent. Napatingin ang lahat sa akin at pinanood nila ako.
"Naliligaw ka ba hijo?" May isang matandang lalake ang lumapit sa akin.
"Ay hindi po, friend po ako ni Rain. Do you know where she is?" Napatingin yung matanda sa isa nyang kasama.
"Nanose-bleed ako hijo, halika at siguradong nandun lang yun sa loob ng bahay nila. Ano ba ang iyong pangalan?" Tanong nito.
"Luke po." Sabi nito.
"Manliligaw kaba ni Rain?" Tanong uli nito.
"Opo." Sagot ko lang.
"Uy pre!" Sigaw nito. "Manliligaw ng anak mo." Napatulala ang sigurong ama ni Rain.
"Ikaw ang... manliligaw ng anak ko?" Tanong nito na tila gulat na gulat. "Ikaw ba ay model?" Natawa na lang ako.
"Hindi ho." Sagot ko lang na may ngiti sa labi ko.
"May accent ka." Sabi ng ama ni Rain.
"I grew up in the states po, my mom is filipino." Sabi ko naman.
"Ah so half-filipino ka?" Tumango na lang ako. "Nasa loob ang anak ko tinutulungan ang mama nya. Kumain ka na ba?"
Umiling ako.
"Nakain ka naman ng filipino food?" Tanong nya.
"Opo." Sagot ko.
"Good, good."

BINABASA MO ANG
Dare: Kiss a Stranger
RomanceI kissed him In front of all those people. I kissed him all because of a dare.