Chapter 13

1.4K 31 0
                                    

RAIN'S POV

Ng makapagbihis na ako, na binili nya pa sa isang store sa baba, ay saka lang kame bumaba sa garage nya.

Mga ilang kotse ang meron sya at mga ilang motor din. Tumingin sya sa akin, siguro tinitingnan nya kung na impress ba ako.

"Pili ka na?" Sabi nya.

Tiningnan ko sya ng patanong. "Ng?"

"Ng sasakyan natin." Sabi nya.

"Bakit ako? Ikaw na lang, ikaw naman ang magmamaneho hindi naman ako." Sabi ko habang naka-cross ang arms ko sa dibdib ko.

Natawa sya sa kasungitan ko at saka nya binuksan ang passenger seat ng itim na BMW. Napabuntong hininga ako at saka ako sumakay.

Pinaandar ni Luke ang sasakyan at pumunta kame patungo kung saan nya iniisip na dalin ako. Napansin ko sa bintana ang mga red rocks na nadadanaan namin.

"No way!" Sabi ko na may excitement na nararamdaman sa puso ko. Pangarap ko ang makita ang Red Rock Canyon in person, at dahil nga wala na kaming masyadong pera hindi na namin naisama ang pag tour sa Red Rock Canyon. "It's beautiful." Tumingin ako kay Luke na may kinang sa mga mata ko.

Ngumiti sya sa akin at muka syang bata na ngumingiti. "You like it?" Tanong nya na parang takang taka pa sya.

Tumango ako at muli ulit tumingin sa labas ng bintana.

This is why it's worth living on earth, kahit madaming sobrang ewan na tao sa mundo. Ang ganda ganda nya talaga, nakikita ko lang to dati sa mga images sa Google, pero ngayon in person na.

Sa sobrang excite ko, as soon na patayin ni Luke ang engine ng sasakyan nya ay dali dali akong bumaba para magpicture. Nagselfie ako, I took a photo of the big rocks, ginawa ko pa ngang photography si Luke. Wala naman syang angal at panay lang din naman ang pag picture nya sa akin.

Habang nakatayo sa tabi ng car ni Luke, at hinihintay syang bumalik, ay tiningnan ko ang mga picture ko. Bumili kase sya ng maiinom.

Maganda din pala ang mga kuha nya, hagip na hagip ang buong rock.

"Oh." Sabi nya habang inaabutan nya ako ng tubig. Tumingin ako sa kanya tapos ay bumalik uli sa cellphone ang tingin ko.

Ewan ba kung bakit parang bet kong magpakuha ng picture kasama sya. Tumayo ako at lumapit sa isang American na nagaantay sa isang kasama nya.

"Hi, sorry, but could you take our picture?" Sabi ko habang naturo kay Luke.

Ngumiti sya. "Sure." Lumapit na kame kay Luke.

"Anong sinabi mo sa kanya?" Kunot noo nyang tanong.

Kinuha ko ang kamay nya ay hinila sya sa harapan ng bato. "Smile." Sabi ko.

Dali dali syang tumingin sa lalakeng may hawak ng cellphone ko at ngumiti.

Mga ilang segundo ay lumapit ang americano sa amin. "You two need to be more sweet." Tumingin sya kay Luke. "You should hug your girlfriend."

"Oh...no...your..." hindi ko na natapos dahil bigla akong niyapos ni Luke at nakangising nakatingin sa akin. Ako naman nakatulala lang sa muka nya, May kaunting pagitan sa muka namin pero naamoy ko ang mint sa bibig nya.

Lumakas ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa mala-anghel nyang muka.

"Nice." Sabi ng americano. "Here I took a couple of shots." Sabi nya. Itinulak ko si Luke at kinuha ng mabilis ang cellphone ko.

Hindi ko na nga nagawang magpasalamat. Dahil sobrang nararamdaman ko ang pag init ng leeg at muka ko.

Dare: Kiss a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon