"Ano yun lang!? " Sigaw ni Maya.
"Anong yun lang?" Tumayo ako at kumuha ng bottled water sa ref. Hindi ko na binanggit yung tungkol sa muntik na ako marape, ang sinabi ko na lang ay muntik na ako ma-holdup at maigi na lang nandun si Luke para ipagtanggol ako.
"I mean wala man lang touchy touchy?" Tumawa ako.
"Wala, masyadong wild yang imagination mo." Sabi ko at bumalik ako sa pwesto ko sa tabi ni Karen.
"Na-miss mo ang part na nameet na ni Rain ang grandparents ni Luke." Sabi ni Trish. "Saka thank God din dahil hindi ka sinaktan ng mga holdaper na yun."
"Oo nga. gosh nakakatakot naman yun." Sabi naman ni Karen, at niyapos nya ako.
"So? Wala pa ding excitement." Binato ko ng unan si Maya, at sumapul ito sa muka nya mismo.
"Baliw!" Nagtawanan kame.
Halos late na kame nakatulog kase puro kame kwentuhan, at naguumpisa na din kaming magayos ng gamit namin, dahil ilang araw na lang ay babalik na kame sa pinas. Isiniksik ko ang ilang chocolate at ilang libro na nabili ko sa box ko, at mga ialang damit pangpasalubong.
"Oo nga pala Rain, nasabi mo na ba kay Luke na babalik ka na ng pinas?" Tanong ni Trish.
Napatigil ako sa ginagawa ko at napaisip, kailangan ko bang sabihin sa kanya? Hindi naman kame ganon ka-close. Umiling na lang ako at pinagpatuloy ang pagaayos. Saka hindi na din naman kame magkikita.
--------------------------------------------
Ako ang unang nagising at nagumpisa na akong magluto ng umagahan. Gumawa na din ako ng kape para sa kanila. Nauna na ako magkape at inaantay kong maluto yung kanin.
Gising na kaya si Luke? Tsk baka naman puyat naman yun. Umiling ako, bakit ko nga iniisip ito.
"Morning." Sabi ni Karen.
Ngumiti ako at nag-motion sa may coffee pot. "Morning din."
"Ang aga mo naman." Nag-shrug na lang ako at uminom na lang ng kape.
Isa isa ng nagising ang mga kaibigan ko, at nagumpisa na din kaming kumain. Ng nasa kalagitnaan na kame ng pangalawa naming servings ay may biglang kumatok sa may pinto namin. Nagkatinginan muna kaming apat, bago buksan ni Trish ang pinto. Hindi namin narinig ang usapan nila pero narinig namin ang pagsara ng pinto. Ng bumalik si Trish sa dining area, ay may dala-dala itong bouquet ng rosas.
"Ehem delivery for Ms. Rain." Sabi nya na may ngiti ang mga labi nya at halong kilig ang boses nya.
"Huh, kanino daw galing?" Tanong ko, pero nagiinit na ang muka ko at at kinikilig na ako sa loob. First time na may nagbigay sa akin ng bulaklak, kinikilig talaga ako.
"Eh sino pa ba? Edi si first kiss mo." Sabi ni Maya at bigla silang nag 'ayiee'.
Inamoy ko ang bulaklak at hindi ko na mapigilan ilabas ang kilig ko, umabot ang ngiti ko hanggang tenga.
"Kire!!!!" Sigaw ng mga kaibigan ko.
"Che!" Sabi ko at pumunta ako sa kusina para ilagay sa vase ang bulaklak.

BINABASA MO ANG
Dare: Kiss a Stranger
RomanceI kissed him In front of all those people. I kissed him all because of a dare.