Luke's POV
"Kailangan to mai-submit ngayon Harry, baka magkulang ang mga ingredients natin." Sabi ko habang tinitingnan ang mga papeles na nasa harap ko ngayon.
Bakit ba kase wala akong assistant para umasikaso nito. Sa gilid ng mata ko nakita kong napadaan si Rain, my girlfriend, na may hawak na mga tray. She looks so happy today, if only I could know why. Baka dahil sa akin, baka iniisip nya ako kaya happy sya ngayon.
Wait...
"Harry can you call Rain please." sabi ko.
"Uh...ok." Sagot naman nito.
Mga ilang minuto pa ay pumasok si Rain at si Harry. "Uh Harry can you leave us for a moment, please." Tumango ito at lumabas na ng office ko.
"Hi." Sabi ko na tila naa-awkward ako. Ngumiti lang sya na parang nahihiya pa sya. "Ehem...I want you to be my assistant." Sabi ko.
"Huh?" Sabi naman nito. "Ano? Assistant? Di ako qualified, iba na lang Luke." Sabi naman nito. Ang ganda nya talaga.
"But I want you." Sabi ko habang tinititigan sya.
"Pero may mas deserving pa sa akin." Pilit naman nya.
"I don't care. Please Rain, ikaw lang ang nakakatagal sa ugali ko. Baka mamaya may mahanap ako tapos babae pa, alam mo naman malakas ang charm ko sa girls." Biro ko, pero mukang hindi sya natuwa.
"Edi wag girls ang i-hire mo." Sabi nya. Is that jealousy I hear it in her tone? Ngumiti ako.
"You know what, you're right, I'll hire someone. I bet there are some people who will be qualified to be my assistant." Tumango na lang sya. "You may go."
Umalis sya ng office ko at dali-dali akong nagpost ng ad for assistant job. Mga ilang oras pa ay ilan-ilan na ang nage-email sa akin para sa job, funny thing is all of them are girls. Pretty and sexy girl, I smiled to myself and answer them one by one.
Nakalipas ang ilang oras ay nagdatingan ang mga maga-apply na maging assistant ko, yung pila ay umabot hanggang sa may pinto ng restaurant. Babae, lalake, at pati mga bakla naka pila bawat isa ay may hawak na folder. Ng plano ko ng magumpisa ay may huling babaeng pumasok at pumila sa may pinaka likoran.
I looked at the girl as she take her sun glasses off, pinsan ni Rain. Shit ano ginagawa nya dito?
Hinanap ko si Rain at nakita ko na lang sya na nakatitig sa may pila, tapos ay napatingin sya sa akin tapos sa pinsan nya, tapos ay bumalik ang tingin nya sa akin at binigyan ako ng masamang tingin. Binigyan ko naman sya na "hindi ko alam" look. Patay mukang galit na sya, how cute. Ano gagawin ko, tiningnan ko uli sya at nakatitg lang sya sa pinsan nya.
"Ok, I'll be your assistant." Biglang lapit ni Rain. Tumaas ang parehas kong kilay habang nakatitig sa kanya.
I motion my finger for her to get closer, and when she's close enough, I put my lips close to her ears.
"It's too late, I can't just send them home." Nag-pull back sya at tumingin sa mga mata ko. I can tell na mukang galit sya.
Sya naman ang lumapit sa may tenga ko. "I'm not selfish, but if you hire my cousin..." hindi nya natapos. Narinig ko lang sya na napabugtong hininga. "Bahala ka na." Sabi nya at umalis sya.
"Rain." Hindi sya tumigal at tuluyang pumunta sa may kitchen.
Napabuntong hininga din ako at tumingin muli sa pinsan ni Rain at sa mga babae na nagaabang sa interview, ngumiti na lang ako sa kanila at tinawag si Harry.
"This is a bad idea." Sabi ko.
"You think? Nandito pa pinsan ni Rain, no wonder she walked out." Sabi nya.
Muli syang tumingin sa pinsan nya, pagkatapos ay tumalikod sya at nagtungo sa kusina.
BINABASA MO ANG
Dare: Kiss a Stranger
RomanceI kissed him In front of all those people. I kissed him all because of a dare.