Chapter 36

1K 20 0
                                    

Luke's POV

"Baka lasing ka na." Sabi ng tatay ni Rain.

"Kaya ko pa po." Sabi ko habang sinasalinan ko ang dalawang shot glass namin.

"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, ikaw ba seryoso dyan sa anak ko? Alam mo yan, sobrang bait at sobrang mahal kami nyan. Ang tanging hiling ko lang sa kanya nung 18th birthday nya ay magmahal sya ng taong kayang suklian ang pagmamahal nya. Kung magmamahal sya yung wala syang pagsisihan sa huli, kaya ikaw make sure na seryoso ka sa kanya. Kung magbreak man kayo ang gusto ko lang ay yung wala syang pinagsisihan na naging kayo, alam mo yun?" Sabi ng ama ni Rain. Mukang sya na ata ang lasing, but what he said make sense. But I know I'm serious about her. I know I want her, I never been so sure of anything, but I know I'm sure about her. That I want her. That I want her, maybe for the rest of my life.

"Papa lasing ka na ata, sabi ni mama pumasok ka daw dun at hindi nya makita ang regalo mo." Sabi ni Rain na nasa likod na naming dalawa.

"Oh." Biglang napatungan ng kaba ang muka ng tatay ni Rain. "Ah...nakalimutan ko bumili...lagot."

Dali-dali pumasok ng bahay si tito at naiwan kame ni Rain na nakatayo sa labas, medyo nararamdaman ko na nga ang tama ng alak.

"Mukang lasing ka na din." Sabi ni Rain. "Pasok ka muna sa loob." Hinawakan nya ang kamay ko at hinila papasok sa bahay nya.

Pinaupo nya ako sa lamesa sa may kusina, at nagtimpla sya ng kape. "Thank you for inviting me, this party is nice." Sabi ko na medyo nahihilo pa.

"What do you think about my cousin?" Tanong nya, nagulat ako kaya di kaagad ako nakasagot at nakatitig lang ako sa kanya.

Tinitigan kong maigi ang muka nya at wala itong halong pagbibiro.

Bumugtong hininga ako. "Nothing, I'm not interested in her. I don't like that kind of girl." Hinigop ko ang kape sa harap ko.

"Sorry, yung pinsan ko kasing yun, may...may ugali syang pag gusto nya, hindi sya titigil hanggang sa makuha nya yun. And I bet she wants you, because you're with me." Sabi nya

"I'm not interested in her." Sabi ko sa kanya. Tumango Lang sya. "If you would just say yes to be my girlfriend then..."

"I thought you're willing to wait?" Right, sabi ko maghihintay ako. "So if I don't say yes..."

"No, no that's not what I mean. I... I think I'm drunk. I'm willing to wait for you, and I'll prove myself to you. And I'll... I'll..." I think I fell asleep, dahil nung nagising ako nakahiga ako sa sofa na May nakapatong na kumot sa katawan.

Dare: Kiss a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon