Chapter 11

1.4K 30 2
                                    

RAIN'S POV

"What the--" hindi na natapos magsalita ng kung ano at kung sino man yun, dahil may narinig akong isang kamao na dumapo sa isang malas na muka. Sa sobrang lakas ng pagkakasuntok ay parang maaring nawalan na ng ngipin ang kung sino man ang nakatanggap ng sapak na yun.

Minulat ko ang mata ko at nakita ko ang isang lalaking nakaitim na sinusuntok yung lalake na nakahiga na sa kalsada.

"You motherfu--" hindi na din natapos mag mura nung isang lalake na may hawak sa akin at mukang susugudin pa yung lalakeng nakaitim, pero hindi man lang nahawakan ng lalake yung nakaitim dahil bigla itong tinuhod sa sikmura at sinapak. Natumba ang lalake at mukang nawalan pa ng malay.

Ako naman ay niyayapos ko ang sarili ko at hindi ko mapigilang manginig sa takot. I was this close of getting rape. I was this close. Thank God dahil hindi nya ako pinapabayaan.

"Shit Rain! Are you ok?" Narinig kong sabi ng lalake. "Hey Rain! Come on talk to me!" Sa sobrang takot ko hindi ko na kinilala pa kung sino yung kumakausap sa akin. Paano nalaman nitong lalake na to ang pangalan ko? Sinubukan kong tingnan sya sa muka at napansin ko ang pagaalala sa mga mata nya.

Hinubad ng lalake ang hoodie nya at ipinatong sa harap ko. Nag-focus ako sa muka ng lalake at ng makilala ko kung sino sya ay naiyak uli ako. Sa sobrang saya kong makita sya ay nagawa ko syang yakapin habang nahagulgol sa balikat nya.

"You're ok. I got you." Bulong ni Luke at hinigpitan nya ang pagkapit nya sa akin.

Napabuntong hininga sya at niyapos din ako pabalik, pagkatapos ay binuhat nya ako. Wala na akong lakas pang magreklamo o sumbatan sya, hinigpitan ko lang ang kapit ko sa leeg nya at umiyak lang ako.

*****

Nakatulog na ata ako, kase nagising na lang ako sa isang kama habang nakaharap sa bintana at tanaw ang city ng Las Vegas. Tiningnan ko ang katawan ko at nakasuot ako ng v-neck white shirt na panglalake.

Tumingin ako sa paligid at halos lahat ng nasa loob ng room ay mukang mamahalin. At mukang hindi bahay ito, mukang condo pa kung nasaan ako. Napaupo ako sa kama at naisip ko ang mga kaibigan ko na for sure ay nagaalala na sa akin.

Bumangon akong tuluyan sa kama At naglakad-lakad sa kwarto. Sumilip ako sa bintana habang inenjoy ko ang init ng araw na pumapasok sa kwarto, ipinikit ko ang mga mata ko at saka ko lang naalala ang nangyari kagabe.

Nanlaki ang mga mata ko at biglang naging blurry ang paningin ko. Niyapos ko ang sarili ko habang hinahayaan kong maalala ang nangyari kagabe.

Oh my God, muntik na ako magahasa kagabe...nararamdaman ko pa din ang paghipo nila sa akin, at ang tunog ng damit kong napupunit. Pero sino yung tumulon sa akin? Bakit nya ako tinulungan?

May biglang kumatok mula sa pinto, hindi ako kumilos para sagutin ito o buksan. Ng hindi ako kumilos ay nagbukas ang pinto at pumasok si Luke.

Nanlaki ang mga mata ko. Sya kaya ang tumulong sa akin kagabe?

Ng tuluyan na syang makapasok ay hindi muna sya nagsalita at tumitig lang sa akin.

Yung titig nya ay hindi yung parang nakakaloko o nakikipag-flirt. Tinitigan nya ako na may pagaalala sa mga mata nya, and there's one more, pity.

"Ah..." Sabi ni Luke. "O-ok ka na?" Tanong nya.

Unti-unti akong lumapit sa kanya at nakita kung paano sya maging uncomfortable as I make my way towards him, slowly. Pero hindi sya umatras, hindi sya gumalaw. Nanatili syang nakatayo malapit sa pinto.

Tinitigan ko lang sya at ibinalik nya sa akin ang tingin. Ng magkaharap na kame at medyo malapit sa isa't isa, hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko sya.

Nagulat siguro sya kase hindi muna sya nagreact sa ginawa ko. Naramdaman kong parang nagrelax na ang katawan nya, at naramdaman ko ang paghimas ng kamay nya sa buhok ko, sa likod ko.

"Yes. Thank you." Sabi ko habang may ilang luha ang pumapatak dumudulas sa pisngi ko.

Dare: Kiss a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon