RAIN'S POV
Ng hindi ako sumigaw ngumiti lang sya, pagkatapos ay nilayo nya ang muka nya. Ang weird, because I feel disappointed na hindi nagdikit ang labi namin.
Umuling ako at sinamaan sya ng tingin.
"Luke." Sabi nya lang, tapos inaabot nya lang sa akin ang phone nya na tiningnan ko lang sa kamay nya. "Lagay mo number mo."
Nagulat ako ng bigla syang nagsalita ng tagalog. "Pinoy ka din? Pero paano mo nalaman na pinoy din ako?"
Hindi nya pa din binabawi yung cellphone nya. "Narinig ko kase yung mga kaibigan mo kagabe nagtatagalog. So I figure you're also a Filipino." Sabi nya, na may accent pa.
Pinulot ko yung mga libro na bibilhin ko sa sahig.
Hindi ko sya tiningnan. "Sorry nga pala kahapon, my friends dared me to kiss a stranger." Sabi ko.
"You're sorry?" Biglang lumapit ang bibig nya sa tenga ko halos naamoy ko ang sigarilyo at gum sa bibig nya. Aatras sana ako kaso hinawakan nya ang bewang ko. "I wasn't." Bulong nya. Kahit yung bulong nya ang sexy din.
Itinulak ko sya at pinulot ko na yung mga natitirang libro sa sahig, pagkatapos ay nagtungo na ako sa front desk para magbayad na.
Nasa likod ko sya at hindi nga ako pinapansin ng babaeng cashier, kase nakatingin lang sya sa likod ko.
Umubo ako dun sa babae para makuha ko ang attention nya.
Ng tumingin na sya sa akin, parang hindi nya pa rin alam ang gagawin nya. Tiningnan ko si Luke na nag-wink naman sa akin, pagkatapos ay dun sa babae na ngayon ay masama ang tingin sa akin.
Ng makapagbayad na ako at nakalabas na ng store, napansin ko na hindi pa rin umaalis si Luke . Hinarap ko sya.
"Hindi ka pa ba aalis." Ngumiti lang sya habang nakahawak sa puso nya.
"Ouch, you wound me." Ng hindi ako ngumiti sa ginawa nya. "San ka pupunta ngayon?"
Tumawa ako. "Somewhere far away from you."
"Rain!" May biglang sumigaw at napatingin ako kay Maya.
"Rain?" Nakangiti nanaman sya ng signature smile nya. Yung one sided smile nya na I bet ay marami ng nasaktan na puso. "It is nice to meet you Rain. I'll see you around." Nag wink sya at isinuot na ang helmet pagkatapos ay sumakay na sya sa motor nya at umalis.
--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, TO FOLLOW, AND TO COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊
BINABASA MO ANG
Dare: Kiss a Stranger
RomanceI kissed him In front of all those people. I kissed him all because of a dare.