Luke's POV
Sa dami-daming katangahan na nagawa ko nuon mas pinagsisisihan ko ang kagabe. Paano kung isipin nyang masyado akong mabilis. Nakakainis para akong tanga kahapon. Napakamot ako ng ulo habang nagdadrive papunta sa restaurant.
Paano ko kaya sya haharapin? Baka naman ma-awkward sya sa akin, bahala na nga. Kelan ba ako nahiya sa mga gantong bagay.
Ng magpark ako sa harap ng restaurant nakita ko kaagad sya sa may window ng restaurant ang ganda nya, biglang nagflash ang isang imahe sa utak ko.
Nakita ko sya nagluluto sa kusina namin habang suot nya ang isa sa mga t-shirt ko na parang bistida. Lumapit ako sa kanya At niyapos ko sya mula sa likod nya, pagkatapos ay hinalikan ko ang leeg nya, humarap sya akin ang kinuha ang magkabila kong pisngi. Napansin ko ang singsing sa left hand hand nya, at same din sa left hand ko.
We're married. She married me and I married her.
"Pinsan!" May sumigaw sa pangalan ko. "Are you ok? Tulala ka." Tumingin uli ako sa may window at wala na sya. "May kailangan kang pirmahan sa loob." Sabi ni Harry.
Pumasok kame sa loob At dumaretso kame sa office. "Kailangan mo lang pirmahan tong sa order form for tomorrow."
"Tapos?" Tanong ko.
"Hmm I guess that's all for now." Sabi nya.
"Alright." Paalis na Sana ako ng bigla akong tinawag ni Harry.
"Nanliligaw ka ba kay Rain?" Tiningnan ko muna sya.
"Yes." Sabi ko ng hindi na iniisip ang sagot.
"I see." Sabi nya.
"What about you cousin? Do you like her?" Tanong ko.
Tahimik sya ng ilang segundo pagkatapos ay tumawa sya ng mahina. Sasagot na Sana sya pero May biglang kumatok sa pinto.
"Come in." Sabi ko. Pumasok ang isang worker. "What is it?"
"Uh si Rain po at yung pinsan nya..." Sabi nito. Sabay kaming lumabas ni Harry At nakita naming nagbabangayan ang dalawa.

BINABASA MO ANG
Dare: Kiss a Stranger
RomansaI kissed him In front of all those people. I kissed him all because of a dare.