Rain's POV
Umabot ang birthday celebration ni mama hanggang gabi, at wala kaming ginawa kung hindi kumain, kumanta, sumayaw, kumain uli, at uminom ng alak. Ayoko sanang payagan si Luke na uminom dahil alam ko magmamaneho pa sya pauwi kaso ay niyaya sya ni papa at walang nagawa si Luke kung hindi pumayag.
"Rain." Lumapit sa akin si Harry. "Salamat sa pagiimbita, mauuna na ako, nagpaalam na ako kay tita kanina."
"Wait, hindi mo ba aantayin si Luke. Nakainom sya hindi sya makakapagdrive." Sabi ko.
Tumingin sya kay Luke at kay papa. Ngumiti sya sa akin. "Sabi daw ni tita ok lang naman daw na maiwan at matulog dito si Luke, saka hindi ako uuwi sa bahay ng lola ko ngayon." Sabi nya. May something sa muka nya na parang pinipilit nya lang ngumiti sa harap ko. I know about his feelings for me, but I just can't return the same feeling. Tapos dumating pa na pinsan nya pa yung nagustuhan ko, mas lalong awkward tuloy. "Sige na Rain, mauuna na ako, ikaw na bahala sa pinsan ko." Hindi na nya ako inantay pang magsalita at umalis na sya ng tuluyan.
"Sino naman yun, pinsan?" Hinarap ko ang pinsan kong may malakas na pangamoy sa mga lalake.
"Hindi pa ba kayo uuwi pinsan?" Inirapan nya ako.
"Kelan ka pa naging habulin ng mga boys?" Ngumisi ako at sinigurado ko na makikita nya.
"Bakit nagseselos ka? Hindi na kase nagana sa kanila yang dibdib mo eh." Nawala ang ngisi ko. Tumingin ako kay Luke at nung nakita nya na naktingin ako sa kanya ay kumaway at ngumiti sya sa akin. Mukang lasing na ata sya.
"Ano nga ba ang relasyon nyo nung Luke na yun?" Tiningnan ko uli sya.
"Ano nga bang pakealam mo?" Sabi ko.
"You know me insan, I'll get whatever I want." Tapos ay tumingin sya ng malagkit kay Luke, na busy namang nakikipagtawanan sa tatay ko. "Even him."
Ngumisi ako, at medyo kinabahan. "Go ahead try it. Pero mapapahiya ka lang." Sabi ko. "Because this time, he's mine and I'm not about to let you take him away from me."
Sya naman ang ngumisi. "We'll see."
BINABASA MO ANG
Dare: Kiss a Stranger
RomanceI kissed him In front of all those people. I kissed him all because of a dare.