Chapter 26

1.1K 27 0
                                    

Rain's POV

Hindi ko sya sinagot at patuloy pa rin tumulo ang luha ko. Hindi ko alam kung bakit ba ako umiiyak, siguro na-touch na din ako sa sinabi nya. No one ever called me beautiful, and no one ever told me that they love me because it's me. Because I am me.

"Yes or no Rain. Hindi ako babalik sa State hanggang hindi ko nakukuha ang yes mo." Sabi ni Luke.

"Kase Luke hindi pa natin masyado kilala ang isa't-isa, hindi tama to." Sabi ko, pero gustong-gusto ko na talaga na ibigay ang yes na inaantay nya.

"Well then, I guess you just have to stay by my side until I get my yes, and I get to know you better." Ngumisi sya. "If I don't know any better I think you just want me to fall in love with you deeper."

Yun nga ba ang gusto ko? Maybe. Ngayon ako naman ang ngumiti.

"Or maybe I just want you to work hard for it. Prove yourself to me Luke. I wont try to change you, pero isa lang ang gusto kong i-give up mo."

Kumunot ang noo nya. "What?"

"Ang pambabae mo." Sabi ko ng seryoso. Tumitig lang sya at pagkatapos ng ilang segundo ay humlaklak sya sa tawa.

"You don't need to worry about that Rain, dahil walang sinisigaw ang puso ko kung hindi ikaw. In other words, I don't want anyone but you." Naginit nanaman ang muka ko. "At yung ibang ayaw mo sa akin, kahit hindi mo ako baguhin magkukusa ako kung yun ang ikakasaya mo. In other words again, I'm under your love spell."

Tinitigan nya ang muka ko. "W-wh-whatever." Baba na sana ako ng car nya ng bigla nyang hilain ang braso ko.

"I want to meet your parents. I want to personally ask your father kung pwede ba kitang ligawan, mind you this is all new to me. Usually when I ask a girl to be my girl they automatically say yes, without me having to finish my question. Only you can do this to me, it's probably why I find you so attractive." Huminga sya ng malalim. Naririnig nya kaya ang tibok ng puso ko, parang may isang-daang kabayo ang tumatakbo sa loob nito.

Naghanap ako ng ballpen at papel sa kotse nya. I found a pen at isang resibo. "Oh." Inabot ko sa kanya. Kinuha nya ito at binasa. "That's my address. Saturday punta ka jan. Birthday ng mama ko, may kaunting salo salo. If you really want to ask them, then come on saturday."

Sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko ay hindi ko na sya inantay pang sumagot at bumaba na ng kotse nya. Pagkatapos ay bumalik na uli ako sa loob ng resto, ng pagpasok ko sa loob halos lahat ng mata ay nakatitig sa akin.

"Magkakilala pala kayo ng pinsan ko?" Kumunot ang noo nya, tapos ay ngumiti sya. Pero walang halong panglalandi ito tulad ng araw araw nyang pagbati sa akin.

"P-pi-pinsan mo?" Tanong ko.

"Oo, pinsan ko. Yung totoong may ari ng resto na ito." Sabi ni Harry. "Oo nga pala, paano?"

"Paanong ano?" Tanong ko, habang kunyari ay nagpepretend magpunas ng lamesa.

"Paano mo sya nakilala?" Yumuko sya at natawa ng mahina.

"Uh..." Tumigil ako sa pagpupunas ng lamesa, tumingin kay Harry, at bumuntong hininga ako. "Vegas."

"Vegas?" Tumango na lang ako.

"Yup, Vegas. In a bar." Tumango-tango sya.

"Bar." Inulit nya. "Ok...lets drop this subject. So imbitado pa rin ba ako sa Sabado?"

Tinitigan ko lang si Harry, tumawa ako ng mahina. "Oo, at pag hindi ka pumunta magtatampo ako."

Dare: Kiss a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon