Rain's POV
Halos araw-araw kame magkasama ni Luke, at halos nailibot na nya ako kung saan-saan. Kagabe lang nagdinner kame sa isang magandang restaurant, nakalimutan ko na kung ano ang pangalan, saka hindi ko din maibigkas, ang hirap din kase.
Kagabe lang din sinabi sa akin ni Luke na may gusto na sya sa akin. Pero dahil sa wall sa puso ko, I took it as a joke and laugh at his face. Medyo nainis sya at hindi ako inimik hanggang sa maihatid na nya ako sa hotel ko. Tinanong ko sya kung galit ba sya, sabi nya hindi daw pero hindi nya ako pinapansin. Kagabi din gusto ko ng sabihin sa kanya ng gusto ko na din sya, na magaan ang pakiramdam ko sa kanya at sobra akong nag-eenjoy na kasama sya. Pero dahil sa katangahan ko hindi ko na nasabi. Tapos bukas na ang flight ko pauwing pilipinas.
Seryoso ba talaga sya sa sinabi nya? Well one way to find out. Kinuha ko ang jacket nya at ibinalot sa katawan ko, pagkatapos ay lumabas ako at nagtungo papunta sa restaurant nya. Nagaabang na ako sa may elevator ng naalala ko ang sulat na sinulat ko sa kanya nung nakaraang araw, kaya naman dali-dali akong bumalik at kinuha ito.
Tumakbo ako papunta sa resto nya at ng makarating ako ay hinanap ko kaagad sya.
"Do you know where Luke is?" Tanong ko sa isang waitress nya.
"Ummm.." Lumingon-lingon sya. "Over there." Turo nya sa may bar.
"Thank you." Agad-agad akong pumunta sa kanya, at ng makita nya ako ay kumunot ang noo nya.
"What are you doing here?" Tanong nya habang papalapit sya sa akin. Hingal na hingal akong lumapit sa kanya, kaya hinawakan nya ang magkabila kong braso at pinaupo ako kung saan sya nakaupo kanina. "Did you run?"
Tumango na lang ako.
"I need to tell you something." Sabi ko.
"What is it?" Kunot noo nyang tanong. Humingi sya ng tubig sa isang waiter nya at inabot ny ito sa akin.
"Kase...." Hindi ko na natapos dahil may babaeng biglang dumating at niyapos sya kaagad. Napatayo ako at napaatras mabilis nabaling ang tingin sa akin ni Luke.
"It's not what you think." Itinulak nya yung babae at binigyan ng masmang tingin. Ngumiti na lang ako at nag tungo na papunta sa exit. "Rain, wait please."
Tiningnan ko lang sya.
"Diba may sasabihin ka?"
"Nakalimutan ko na." Sabi ko, sabay bigay ng sapilitang ngiti at kamot ng ulo.
"Rain."
"Go back to your...uh...friend. Nakakahiya naman iniwan mo lang sya duon." Sabi ko.
"Nagseselos ka ba?" Natawa ako.
"Huh? Ako magseselos? Hindi naman tayo ah." Nagbago ang expression nya.
"Right." Sabi nya, pagkatapos ay umatras sya. "I'll go back then, marami pa kase akong ginagawa."
"Wait." Sabi ko. Kinuha ko ang sulat sa bulsa ko at inabot sa kanya. "Basahin mo to after 12 am mamaya."
"What?" Itinulak ko sa kamay nya ang sulat.
"Promis me, babasahin mo to after 12 am mamaya. Wag kang mandadaya." Tumango lang sya.
Hinawakan ko ang pisngi nya at inaral ko ang muka nya, dahil alam kong ito na ang huling beses na makikita ko ang nagnakaw ng first kiss ko, at ang nagnakaw ng puso ko. At tutal din naman ay uuwi na ako.
Tumikdi ako at hinalikan sya sa labi, mabilis lang pero lumakas na ang tibok ng puso ko. Tiningnan nya lang ako, at nginitian ko sya.
"Bye Luke." Sabi ko habang naka ngiti.
BINABASA MO ANG
Dare: Kiss a Stranger
RomanceI kissed him In front of all those people. I kissed him all because of a dare.