Chapter 15

1.3K 32 0
                                    

RAIN'S POV

Ano nanaman kayang laro ang ginagawa nitong lalake na'to. Bakit may dalawang puting matanda dito?

Ng makalapit kame ay nagulat na lang ako ng tawagin sya ng puting matanda na babae, na grandson. Crap wrong timing at in a wrong place ba ako?

Pinilit kong hilain ang braso ni Luke pero hindi nya ako pinansin at dumaretso lang kung nasaan yung dalawang matanda.

Ng pinaupo na kame at hinila ako ng lola ni Luke sa tabi nya, ay saka ko lang narealize na baka nakakaabala ako dahil isa palang itong family dinner.

"Um..." Sabi ko. Tumingin silang tatlo sa akin. "I think I should go."

"Don't be silly sweetie, we haven't eaten anything yet." Sabi ng lola ni Luke.

"Uh..." ipinatong ng lola ni Luke ang kamay nya sa akin.

"It's ok." Sabi nya lang. At bumalik ako sa pagkakaupo sa tabi nya. "So what do you do?"

Napatingin ako kay Luke. "Um... I'm a working student in the Philippines."

"Oh really? But whay are you here?" Tanong naman nya. "You know my Luke is half Filipino."

"I'm just visiting a friend. Yeah he told me that before." sabi ko.

Tumango-tango ang lola ni Luke.

"Nana stop interrogating her," biglang sabi ni Luke.

"I'm just asking questions." Ngumiti ang lola ni Luke sa akin. "Are you taken? Married? Do you have kids?"

Napatawa ako ng mahina. "Um... no. Not taken, not married ang no kids. My parents are strict."

"I see." Binigyan nya ng tingin si Luke.

Ng dumating ang food ay inasikaso ako ng lola ni Luke, syempre na touch naman ako kaya hindi ko magawang hindi mahiya sa kanila. Nailang tuloy akong kumain at nailang akong tumingin kay Luke.

Nagnakaw ako ng tingin kay Luke at nahuli ko syang nakatitig sa akin, ngumiti lang sya sa akin at bumalik sa pagkain. Nagkwentuhan lang kameng apat, nagkwento ang mga Lolo at Lola ni Luke about sa childhood ni Luke. Natawa na lang ako sa ibang mga sinabe nila at hindi ko maiwasan na magnakaw nanaman ng tingin kay Luke na ngayon ay nakatitig sa akin habang nainom ng red wine.

Ng matapos kame ay nauna ng umalis ang lola at lolo ni Luke, nagulat naman ako ng bigla akong yakapin ng Lola ni Luke.

"Ihahatid na kita sa hotel mo." Ngumiti sya sa akin, at hindi ko na din mapigilan hindi ibalik ang ngiti nya.

Tumango na lang ako.

Kinuha nya ang kamay ko at natigil ako sa paglalakad. Tumingin sya sa akin at ngumiti, hindi na nya ako inantay na magsalita pa bago nya ako hinila papunta sa car nya.

May bigla akong naramdaman, may para bang paro paro na nalipad sa loob ng tiyan ko. Yung init nagpunta sa muka ko, para akong kumain ng maanghang na putahe. Hindi ko din makalma ang puso ko na para bang sasabog na.

Pinagmasdan ko ang likod ng ulo nya at hindi ko magawang hindi maitanong sa sarili ko kung sakaling maging kame ba, magiging masaya ba ako? Mamahalin nya kaya ako ng totoo? O lolokohin lang nya ako? O baka naman ipagpalit nya ako pag nagsawa na sya?

"You know what, I'm going to court you?" Biglang sabi ni Luke.

"What?" Sabi ko.

"Umm... how do you say it in Tagalog? Uh... liligawan kita." Sabi nya.

Tumawa ako at ng hindi sya tumawa ay nawala ang humor sa muka ko.

Dare: Kiss a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon