Chapter 16

1.2K 22 2
                                        

Rain's POV

"San ka nanggaling na babae ka!?" Biglang sigaw ni Maya.

"Aray naman." Sabi ko sabay kamot sa tenga. "Kumalma ka nga."

"Anong kalma!? Hindi ka natulog dito, tapos buong araw ka pang wala. Alam mo bang muntik na ako magpatawag ng SOCO!" Nasigaw pa din sya.

"Ano ka ba walang SOCO dito, saka ok naman na ako. Kasama ko si--" hindi ko na natapos at tiningnan ako ni Maya ng patanong.

"Sinong kasama mo?" Tanong nya. Tiningnan ko sya pagkatapos ay tiningnan ko yung hawak kong jacket, ay nakalimutan kong ibilik kay Luke yung jacket nya. "Hoy, earth to Rain. Sino nga kasama mo?"

"Si ano...si ano...ah basta!" Sabi ko sabay lakad patungo sa banyo.

"Hoy, hoy buong gabi kang wala, at buong araw din. Gusto mo sumbong kita kila tita at tito. At least naman sabihin mo sa akin sino kasama mo," tumaas ang isang kilay nya. "Lalake ba?" Bigla syang ngumisi. "Sasabihin mo o isusumbong talaga kita."

"Oo na, sasabihin ko na." Napaisip pa ako.

"Aber..." nagpamewang sya.

"Si Luke." Sabi ko sabay sarado ng pinto sa muka ni Maya.

Ngayon ko lang naisip na first time kong may kasamang lalake buong gabi at buong araw, parang hindi ako ito. Pinagmasdan ko uli ang jacket ni Luke at hindi ko namalayan na ngumingiti na pala ako.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at pinagmasdan ko ang muka ko. Posible nga kayang magkagusto sa akin si Luke? Posible kayang may pag asa na maging kame?

Simple lang ako, hindi ako marunong mag ayos ng sarili. Marunong naman ako magsuklay ng buhok at i-pusod ito, kaya ko din i-trintas, pero hanggang dun na lang yun.

Marunong ako maglagay ng lip tint at magpulbo, hanggang dun na lang din yun.

Posible nga kayang mainlove sa akin ang katulad ni Luke?

Ilang minuto ko pang pinagmasdan ang muka ko at pagkatapos nun ay nagtungo na ako sa shower para maligo.

Ng lumabas ako ng banyo at nagtungo papunta sa kwarto namin ni Maya, nagulat na lang ako ng makita kong nakaupo duon ang tatlo kong kaibigan.

"Ayan na sya." Sabi ni Trish.

Kumunot ang noo ko. "Ano meron?"

"Story telling." Sagot naman ni Karen.

"Talaga? Naggaganyan pa pala kayo?" Sabi ko habang hinahanap ko yung moisturizer ko.

"Oo naman no, at ikaw ang teller." Sabi ni Maya na may halong pangaasar. Napabuntong hininga ako at hinarap ko silang tatlo. Nakita ko sa muka nila ang pagaabang, ngumiti ako at nagkwento na.

Dare: Kiss a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon