Rain's POV
"I'm all ears Rain, I want to know about you. So tell me." Tumingin ako sa mga mata nya. Huminga ako ng malalim at umupo sa upuan sa may harap nya.
"Simple lang, inagaw nya yung lalake na gusto ko. Halos lahat inaagaw nya." Nararamdaman ko nang paluha na ako, pero pinigil ko dahil ayaw kong makita nyang umiiyak ako dahil dun.
Lumapit sya sa akin, hinawakan ang magkabila kong braso, at tinitigan nya ako. At as usual hindi kong magawang tingnan sya sa mga mata. Dahil na din siguro sa maiinit nyang pagtitig sa akin.
"You don't have to worry about that. Hindi ko naman type ang pinsan mo eh, yung pinsan nya nga ang type ko kaso di nya pa ako sinasagot."
Naramdaman ko ang kamay nya sa pisngi ko at inangat nya ang muka ko para tumingin sa mga mata nya. Napalunok ako sa kaba, I can hear my heartbeat. It's so loud, para syang drum. Nagiinit ang ang buong muka ko.
Ngumisi sya. "Bakit ka namumula?" Napalunok uli ako. "Hanggang kailan mo ba ako papahirapan? Hanggang kailan ako magaantay until I can call you mine? Hanggang..." bumaba ang tingin nya sa labi ko. "Hanggang kailan ako magaantay hanggan matikman ko uli ang mga labi mo." The way he said it, the way his voice sound, makes me wanna drop everything and just throw myself into his arms. Dahil feeling ko I'll be safe and happy with him.
Siguro time ko na maging happy, tutal naman gusto sya ni mama. Ano nga ba ang inaantay ko? Nagtravel sya from Vegas to here para lang hanapin ako. Masyado kase akong old school. Since never pa ako nagkaboyfriend, edi never ko pa din nafeel maligawan.
Nilagay ko ang parehas kong kamay sa bewang nya at niyapos ko sya. Hindi sya nakakibo kaagad at tila natigil sya, mga ilang minuto pa ay naramdaman ko ang mga kamay nya sa likod ko.
"Ano to?" Tanong nya. Hindi nya pa ako binibitawan, pero nararamdaman ko ang mga ngiti sa labi nya. "Oo naba ang sagot mo sa mga question ko?"
"Ano gagawin mo kung oo na nga?" Tanong ko.
"I will... sing? Dance?" Lumayo sya ng kaunti sa akin habang nakalagay pa rin ang mga kamay nya sa bewang ko.
Tumawa ako. "You will?" Tanong ko.
"So? Yes na ba?" Tanong nya.
I'm ready.
"Yes."
SORRY PO SA LATE UPLOAD, MEDYO NAGING BUSY LANG PO. HOPEFULLY MA-ENJOY NYO PO ITO. THANK YOU PO NG MARAMI DAHIL NAEENJOY NYO PO G BASAHIN ANG STORY KO. 😍😍😍😍😍😘😘😘😘😘
BINABASA MO ANG
Dare: Kiss a Stranger
RomanceI kissed him In front of all those people. I kissed him all because of a dare.