Rain's POV
Bakit ba kase hindi pa ako pumayag na maging assistant nya, at anong ginagawa ng pinsan ko dito? Wala namang kaalam-alam sa pagiging assistant yun. ang alam lang nun lumandi. At saka as if naman sya ang iha-hire ni Luke.
Kahit ilang beses kong kumbinsihin ang utak ko na never iha-hire ni Luke si Gem, meron paring possibility na piliin sya ni Luke. What am I going to do?
"Oy anong minumuni-muni mo dyan?" Biglang pasok ng ka-worker ko.
"Huh? Wala ah." Ngumiti sya.
"Ang daming magaganda at sexy, parang type ni boss." Hindi ako sumagot. Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Harry na kahit anong anggulo ang pogi pa rin. Pwede tong maging Gucci model, or just model in general.
"Rain tawag ka ni Luke." Yung expression nya parang hindi sya comfortable sa piniling assistant ni Luke. May napili na kaya sya, pero bakit ganon ang expression ni Harry?
Palang alam ko na kung sino, nakakaramdam na ako ng inis at medyo kaunting selos.
"Bakit daw?" Ngumiti sya, lumabas siguro tong lalaking to sa anime. Umiling na lang ako at lumabas na lang.
Lumapit ako kay Luke na nakaupo sa may isang upuan habang umiinom ng kape at nagse-cellphone. "Bakit?" Sabi ko na may halong attitude. Ngumisi sya at napatingin ako sa cellphone nya na ang background ay ang isang snapchat selfie na kinuha ko nung nakaraang araw at pinost sa FB.
"Bakit..."
"Nakapili na ako ng assistant, nasa banyo lang sya. Pero bago mo sya makita at bago ka magalit sa akin, know that I picked her because of her resume." Hindi nya ako pinatapos at kumunot ang noo ko habang nakatitig sa kanya.
"Luke." Alam ko ang boses na yun, alam na alam ko.
"Did you picked my cousin? Si Gem talaga?" Straight to the point na tinanong ko.Tiningnan ko ng seryoso si Luke. "Si Gem ang pinili mo? Seryoso ka?"
"May problema ba pinsan?" Hindi ko sya tiningnan.
"Luke." Tiningnan ko ng maigi si Luke, at binalik nya ang tingin na yun sa akin. "Ok." Tinanggal ko ang apron ko at pinatong sa may lamesa.
Tumalikod ako at nagwalk-out. "Rain, please."
"Not now Luke, alam mo ang nararamdaman ko about sa pinsan ko. But I mean...it's work right. Assistant mo sya waitress ako, hindi naman kame siguro magkikita." Sabi ko.
"Nagseselos ka ba? And yes assistant sya at waitress ka, but you're also my girlfriend." Hindi ko sya siangot at tuluyan ng lumabas ng pinto. "Rain, please wait."
Boyfriend ko sya, I should trust him. Sabi nya nagbago na sya at sabi nya di nya naman type si Gem. So bakit may nararamdaman akong kaba sa puso ko.
Nasa likod ko sya at hindi ko sya hinarap."Will you please look at me." Sabi nya. Napakakalma nyang sinabi sa akin, napaka smooth ng boses nya. Hindi ko magawang mainis, mas kinikilig pa ako.
Humarap ako ng mabilis sa kanya na nakakunot ang noo. Ang lakas ng tibok ng puso ko habang umaandar sa utak ko ang ang gusto kong gawin sa kanya, nanunuyo ang lalamunan ko. Dinilaan ko ang labi ko at lumapit pa sa kanya.
"Don't tempt me Rain, don't." Sabi ni Luke. Mas lalo pa akong lumapit sa kanya. "Rain." I smilled. Nakita ko ang kaba at gulat sa mata nya.
I touch his face, his oh so perfect face. I stare at his eyes, his beautiful eyes. And I look at his lips.
Bago pa man ako makareact ay hinawakan nya ang batok ko at hinila nya ako papalapit sa kanya. Nagdikit ang mga labi namin, it was a sweet and gentle kiss, I pulled him more closer and his sweet and gentle kiss turned into hunger.
Parehas kaming sabik sa isa't isa. It was nothing compare to the first kiss that we had.
Nagwawala ang puso ko at ang mga paro-paro sa tiyan ko.
Ng maghiwalay kame ay tinitigan lang ako ni Luke sa mata na may ngiti sa mga labi nya. "You're mine now. You can't take it back." Ngumiti ako at niyakap sya, hinalikan nya ang noo ko.
BINABASA MO ANG
Dare: Kiss a Stranger
RomanceI kissed him In front of all those people. I kissed him all because of a dare.