Rain's POV
Nung kinagabihan na yun ay panay ang sigaw ni Maya sa sobrang kilig, ilang beses nya sa akin pinaulit-ulit ang nangyari sa amin ni Luke. I mean hanggang ngayon din naman kinikilig pa din ako.
"OMG!!!!!" Sigaw nanaman ni Maya.
"Ano nanaman?" Sabi ko.
"Check mo facebook mo dali!" Sabi nya.
Kinuha ko ang cellphone ko sa may kama at dali-dali ko itong tiningnan.
Luke is now in relationship with Rain
30 minutes palang nya pinost sobrang dami na ang nagla-like at nagko-comment. Yung isang notifications ko ay waiting na lang for me to accept his tag. And most of the comments are from his friends back in Las Vegas.
"No way! Is this for real?!"
"This must a joke, is it April 1st?"
"Whoever this girl is I salute you, you turned him into something I could never imagine."
"So happy for you!"
"First time!"
In-accept ko ang tag ni Luke at wala pang mga 10 minutes ay madami na din ang mga nagla-like at nagko-comment
"Totoo!?"
"Omg is this the guy from the bar?"
"Napakagwapo naman nito."
"Sana all!"
"Model ba itong jowa mo?"
"Model daw ba beshy!" Nagtawanan kame ni Maya. Nag-continue kame ni Maya magbasa ng comment, I mean si Maya nag-continue magbasa ng comment habang ako naman ay katext ang boyfriend ko.
Yieeee!!! Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na kame na.
"Rain! Rain!" Biglang nagbukas ang pinto. "Totoo ba tong post mo!?" Sigaw ni Mama
"Ma ang ingay mo naman eh, rinig ka na hanggang dun sa kabilang baranggay."
"Pake ko sa kanila, ano nga. Totoo ba to?" Tanong nya.
"Oo na." Sagot ko at parehas nagtilian si mama at Maya.
"Ang anak ko may jowang amerikano, mamatay sa inggit yang anak ni ursula." Sabi ni mama.
Si Angeline ay anak ni Aling Marga dun sa may kanto, at matalik na kaaway ni mama. Pano ba naman lagi na lang nila pinaparinggan si mama. Eh ang mga pinoy na nanay pa naman pagdating sa "Ang anak ko..." may ganto, may jowang ganto, natanggap sa ganto. Hindi papahuli ang nanay ko dyan.
"Ma, Marga hindi Ursula." Tumawa sa likod ko si Maya.
"Wala akong pake kung kapangalan nya pa si dugong. Alam mo ba nung isang araw lang pinagmamalake nya na yung anak nyang kamuka ni Mahal ay nakabingwit daw ng isang mayaman at pogi. Pero hindi naman maipakilala sa lahat. Puro salita lang." Kwento nya habang may tinatype sya sa cellphone nya.
"Oo na ma, saka pwede ba wag mong bigyan ng ibang pangalan ang mga kapitbahay natin, kaya ka lagi napapaaway eh kung ano ano tinatwag mo sa kanila." Sabi ko.
"Pake ko, paguntugin ko pa silang lahat. Dito ka ba matutulog Maya?" Tanong nya.
"Oo tita, pwede paki-ano si mama." Sabi ni Maya.
"Oo ba ako bahala." Tumingin sya sa akin at tinitigan nya ang muka ko ng maigi.
"Ganda talaga ng anak ko mana sa ina." Sabi naman nito sabay alis ng kwarto ko.
BINABASA MO ANG
Dare: Kiss a Stranger
RomanceI kissed him In front of all those people. I kissed him all because of a dare.