Chapter 28

1.1K 25 0
                                    

Rain's POV

Lumipas ang Tuesday, Wednesday, at Thursday. Lumipas ang mga araw na to at patuloy akong niligawan ni Luke.

Nung Tuesday pumunta sya sa resto na may dalang isang dosenang bulaklak, at nung umuwi ako ng bahay ay halos hindi mapakale si mama sa kakatanong kung saan galing ang bulaklak ko. Napagbintangan pa ngang ako daw ang bumili ng bulaklak para sa sarili ko eh, kaso may company name kung saan galing yung bulaklak. Nung ni-search namin ang name ay halos hindi kame makapaniwala sa halaga ng binigay sa akin ni Luke.

Nuong Wednesday naman may dala syang isang box ng chocolate, at nung umuwi ako ay kinain naman ni papa, at syempre hindi mawawala ang pagiging imbestigador ni mama. Mas nadagdagan pa ang mga tanong nya, ang sabi ko naman makikilala nya sa birthday party nya. Kung hindi ko pa binawi yung box baka wala na akong natikman.

Ng dumating ang Wednesday ay wala syang kahit na anong dala, hindi ako nagulat dahil sabi ko naman sa sarili ko ay hindi ako mageexpect everyday na may dadalhin sya. Nung awasan na ng work, nagpisinta sya na ihatid ako. Sabi ko naman hindi na kailangan, pero nagpumilit sya kaya pumayag na din ako. Hindi ko sya pinapasok sa bahay, at hindi na din sya nagtanong kung pwede. Saka sabi naman nya inaantay sya ng lola nya para sabay sila magdinner.

Ng baba na ako ng car nya ay hinawakan nya ang braso ko at hinila papalapit sa kanya, huminto ako malapit sa muka nya. Tinitigan nya ako at naginit nanaman ang muka ko. Ngumisi sya at lumapit sa muka ko, kusa namang pumikit ang mga mata ko habang hinahantay maramdaman ang labi ni Luke sa labi ko. Pero hindi ito dumating, imbes na sa labi ko maramdaman ang labi nya ay naramdaman ko ito sa noo ko.

"See you tomorrow." Dahan-dahan ako lumabas ng car nya habang mukang lutang at bago sya umalis ay binigyan nya muna ako ng isang ngiti na gumising sa puso ko. Bigla ito tumibok ng sobrang bilis at sobrang lakas. Naririnig ko na nga ang tibok eh.

Habang nakatingin sa umaandar na kotse ni Luke ay hindi mapigilan ng ngiti ko ang lumabas. So ayun nakatayo ako sa labas ng bahay, hawak-hawak ang pisngi habang nakangiti. Ng pumasok ako sa bahay ay nawala ang ngiti ko.

Nakaupo sa sofa ay walang iba kung hindi ang malandi kong pinsan, kasama ang kauna-unang lalake na nagustuhan ko. I think it was 4 months ago na naging sila.

I told Gem na gustong-gusto ko yung lalake, imbes na tulungan ako inahas at inagaw nya pa. At saka hindi lang yang ang unang beses na nangagaw ang pinsan kong to. Halos lahat ata ng kaibigan nya iniwan sya dahil mahilig makipaglandian sa mga jowa nila.

"Rain!" Sabi nya sabay tayo at yakap sa akin. "Kamusta ka na? May jowa ka na ba?"

"Bakit balak mong agawin uli?" Sabi ko ng mahina.

"Ano yun hindi ko naintindihan?" Sabi nya. Tumawa ako.

"Ang sabi ko wala pa, busy pa ako sa work eh." Sabi ko habang nagmamano kay mama at papa. "Ano nga palang ginagawa mo dito?"

"I'm here for tita's birthday party. Oh natatandaan mo ba si Jerry?" Sabi nya tumango na lang ako habang pinipigilan ko ang sarili kong hindi mainis. "4 months na kame, can you believe that."

"Ay nako Gem, may nanliligaw na jan sa pinsan mo at pupunta pa sya sa party ko. Oo nga pala anak inimbitahan mo ba yung boss mo? Sino nga yun si Honey." Singit naman ni mama.

"Harry ma, at oo pupunta si Harry." Lumapit sa akin ng malapit si Gem.

"Single pa din ba yung boss mo?" Kumunot ang noo ko at napatingin kay Jerry. Tumawa sya. "Biro lang insan." Lumapit sya sa syota nya at kinuha ang bag nila. "Ok na ba room namin tita, magshe-share kame ng bf ko."

"Ok lang ba yan sa mama at papa mo na tabi kayo matulog ng bf mo?" Tanong naman ni papa.

"Ok lang po yung kila mama." Sabi naman ni Gem. Nung papaakyat na sila ay huminto ito at tumingin uli sa akin. "Can't wait to see your manliligaw."

Dare: Kiss a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon