Rain's POV
Luke came, wearing a white t-shirt that make his tattoo visible from the back and by his shoulder, the one by his neck is also an eye catching one that made everyone look at him or more like trying to figure him out.
"Luke...hi." Sabi ko na medyo awkward.
"I'm sorry, I'm late I saw you and your friend kanina, you were carrying a big box. I was about to give you guys a ride but when I turned around you guys were gone." Sabi nya na may accent and boses nya.
"Yeah, we bought cake and some other things too." Sabi ko. Tiningnan ko si Gem na halos maluwal ang mata sa kakatitig kay Luke, inaaya na nga sya ng jowa nya na umupo kaso ayaw pa nito kumilos at panay lang ang titig kay Luke.
"Ang gwapo mo naman." Sabi ni Mama. "Ikaw ba yung nagbibigay ng mga chocolate at bulaklak dito sa dalaga ko?"
Ngumiti si Luke kay mama. "Yes, that would be me. Thank you for inviting me." Nakipag-shake hand sya kay mama at papa.
"May accent ka, where are you from?" Tanong ni mama.
"Las Vegas, that's where I met your daughter." Sabi naman ni Luke.
"Oh." Biglang tingin sa akin ni mama habang nakataas ang mga kilay nito. "At ngayon nililigawan mo na sya?"
Tumingin si Luke kay papa. "Yun nga po ang gusto kong itanong, if you would allow me to court your daughter. Seryoso po ako sa kanya, at gustong-gusto ko po talaga ang anak nyo. So if you would give me your ble..."
"Yes! Yes! Payag ako. Diba payag ka din Pa?" Biglang sigaw ni mama. "Come in! Come in! Do you eat Filipino food?" Tumango si Luke habang nakangiti sa akin at habang kinakaladkad na sya ni mama papasok ng bahay, ni hindi na nga nakapagsalita si papa eh.
"Manliligaw mo yun?" Tanong ni Gem na hindi pa din makapaniwala.
"Ano inggit ka nanaman? Susubukan mo nanamang ahasin?" Biglang singit ni Maya. Hindi ko na tinago ang ngiti ko at sinigurado kong kita ni Gem. "Halika na nga Rain, puntahan na natin ang super pogi mong manliligaw." At hinila na ako ni Maya papasok ng bahay.
BINABASA MO ANG
Dare: Kiss a Stranger
RomanceI kissed him In front of all those people. I kissed him all because of a dare.