RAIN'S POV
Nagumpisa ng lumakad papalapit sa amin sina Karen at si Luke. Nakangisi pa din si Luke habang nakatitig sya sa table namin.
Umupo si Karen sa harap ko na may nakakalokong ngiti sa mga labi nya at kinindatan nya din ako habang ngumunguso sya sa likod nya.
"Hello ladies." Sabi ni Luke na may halong pag-flirt sa tono ng boses nya. Tiningnan nya ang bawat isa sa mga kaibigan ko at ng mapunta ang tingin nya sa akin ay may ibang sinasabi ang mga mata nya.
"We just want to apologize about what happen at the bar. We made her kiss you. It was our fault." Sabi ni Maya.
Ngumiti si Luke at hindi inalis ang tingin nya sa akin. "It's cool." Ngumiti lang sya sa akin na may halong kindat. "Order lang kayo, it's on me."
Nagtinginan ang mga kaibigan ko. "Filipino ka din?" Tanong nilang tatlo ng sabay sabay.
Tumango lang si Luke at ngumiti, ngayon ko lang din napansin na may dimple sya pag nangiti, kaso sa isang side lang ng pisngi nya.
"Yup, half Filipino and half American." Sabi nya. Kumuha sya ng silya sa may tabing table at naupo sya sa tabi ko. "So ladies what brought you to Vegas?"
Sumenyas sya sa isang waiter. "Yes sir?"
"Bring us some of these and these." Sabi ni Luke habang may tinuturo sya sa menu.
"Yes sir, right away." Sabi ng waiter.
"Binisita kase namin tong friend namin na si Karen." Sabi naman ni Trish. Nagkwentuhan sila at ako lang ang walang imik. Dumating ang food namin at wala pa rin akong masabi na kahit ano.
Nararamdaman ko ang pagdidikit ng braso namin, may parang spark ang dumaloy sa katawan ko. Dahan-dahan kong inusod palayo ang braso ko kay Angelo.
"Rain bakit hindi ka umiimik?" Tiningnan nila akong apat.
Ngumiti ako at sinubukan kong kumalma para hindi ako mautal sa pagsasalita. "Naguusap naman kayo diba? Kaya nyo na yan."
Ngumiti si Luke at sinubukan kong hindi magpakita ng emosyon. "Ok lang ba na ilabas ko sa date itong kaibigan nyo?" Tanong ni Luke habang nilagay nya ang kamay nya sa likod ng silya ko.
"Pwedeng pwede." Sabi naman nila Maya na excited.
"Ayoko." Sabi ko. Kinuha ko ang bag ko at tumayo na para umalis. Hindi ko na inantay ang mga kaibigan ko at nagmadali akong umalis ng restaurant.
Ano ako tanga, alam na alam ko ang style ng mga katulad ni Luke. Pacute, pacharming sa una tapos sa huli iiwan lang wasak ang puso ko. At etong mga kaibigan ko kala mo sila may ari ng buhay ko para pumayag lang ng ganun ganun na lang.
"Rain!" May tumawag sa pangalan ko. Hindi ako huminto at mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad. "Rain wait." Hinawakan ni Luke ang braso ko.
Tiningnan ko sya ng hindi pa din nagpapakita ng kahit na anong emosyon sa muka ko. "Bakit ba? Nakalimutan ko ba magbayad?" Nagkalkal ako sa bag ko at may nilabas akong ilang bill. "Eto oh. Look Luke, I'm really sorry about the kiss. Kung ginagantihan mo ako dahil dun, please lang wag ang puso ko ang gantihan mo."
"Ano? What are you talking about?" Ngumisi ako.
"Oh please, kilala ko ang tulad mong lalake. Babaero ka, and for sure madami ka ng babaeng pinaiyak." Hinawakan nya ang magkabila kong braso.
"You don't know me." Sabi nya na may parang halong asido ang bawat words na lumalabas sa bibig nya.
Did I offend him?
Nanlilisik ang mga mata nya habang tinititigan nya ako.
Tinanggal ko ang kamay nya sa braso ko at umatras. "You're right, I don't know you."
Hindi ko na inantay syang magsalita at umalis na ako. I know what I did is right. Tama na umiwas na ako kay Luke dahil pag tumagal pa baka mahulog ako sa kanya. Mabilis pa naman mahulog ang puso ko, kaya laging nawawasak.
--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, TO FOLLOW, AND TO COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

BINABASA MO ANG
Dare: Kiss a Stranger
RomansaI kissed him In front of all those people. I kissed him all because of a dare.